Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Posibleng gamot sa cancer, pinatutubo ng Japanese scientists sa itlog ng manok

KUNG magbunga ang pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Japan ay maaari nang magamot ang mga malulubhang karamdaman katulad ng cancer sa pamamagitan lamang ng pagkain ng itlog.

Ito’y matapos matuklasan ng mga scientists mula sa Kansai region na maaring magpalaki ng mga manok na nagtataglay ng protina na kung tawagin ay interferon beta na posibleng lunas sa mga sakit na katulad ng cancer, multiple sclerosis at hepatitis.

Naipapasa ang interferon beta mula sa inahing manok papunta sa mga itlog nito kaya naman magiging mabilis at mura ang magiging produksyon ng potensyal na wonder drug.

Sa ngayon ay may tatlong inahin na ang mga scientists na nangingitlog ng mga itlog na may taglay na interferon beta.

Plano ng mga scientists na ibenta ang makukuhang gamot mula sa mga itlog sa mga pharmaceutical companies.

Inaasahan namang matatagalan pa bago makinabang ang publiko mula sa pag-aaral, kung sakali mang magtagumpay ito. Mahigpit kasi ang batas ng Japan pagdating sa mga bagong tuklas na gamot at maaring ilang taon pa ang bilangin bago ito maaprubahan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: