Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Mag-ingat sa illegal recruiter na ito!’

LUMILIIT na ang mundong ginagalawan ng dorobong illegal recruiter na may pangalang Catherine Sioson. Ang kolum na ito ay All Points Bulletin para sa mga katulad niyang salot sa lipunan.

May nauna nang kumagat sa patibong na kaparehas niya, at sa tulong ng publiko, susunod nang mahuhulog sa bitag itong si Sioson.

Nabuking ang panloloko nitong si Catherine Sioson ang lumapit sa Kilos Pronto ang isang grupo ng mga OFW na maglalayag sana papuntang Australia.

Aminado ang mga biktima, naengganyo sila sa mabubulaklak na salita at matatamis na pangako ng suspek tulad ng “malaki ang sweldo” kaya hindi sila nagdalawang isip na simulan ang pag-aapply noong 2015.

Inakala ng mga biktima na mapapadali ang kanilang pag-aapply dahil nagmamadali rin daw ang kolokay na si Sioson sa pagkubra ng sinasabing processing fee.

Hindi bumababa sa 100,000 Pesos ang ibinayad ng bawat isa sa illegal recruiter na kanilang idineposito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Eto na ang galawang kawatan, matapos ang pagbabayad, nawalang parang bula ang putok sa buho na si Sioson at nagsimula nang magtago sa kanila. Napakalaking halaga na nga naman ang nangalap ng hijo de puto na ito!

Sa kasalukuyan, patuloy na lumilibot ang manlolokong ito, hindi pa rin nahuhuli at baka nasa lugar niyo lang at nambibiktima.

Subalit bilang na ang kanyang maliligayang araw, nakaantabay na ang isang arrest warrant na tutuldok sa kanyang modus.

Nakapaskil sa Facebook page ng Kilos Pronto ang mukha ng suspek, mukhaan niyong maigi at itawag agad sa amin kung alam n’yo ang kinaroroonan.

Babala sa mga nagbabalak at nangangarap pa ring magtrabaho sa ibang bansa, mag-ingat sa mga hakbang na inyong gagawin, mag-isip ng maigi.

Huwag magmadali na aabot sa pakikipagtransaksiyon sa isang indibidwal, mas mabuting dumaan kayo sa mga ahensiya na may tamang proseso.

Isang paalala lamang sa mga gustong magtrabaho abroad: dumaan sa tamang proseso ng gobyerno at siguraduhing lehitimo ang mga nagrerecruit sa inyo.

Masarap namnamin ang mga salitang bibitawan ng sinumang recruiter. Subalit isang bangungot ang maloko kayo ng malalaking halaga na maaaring pinaghirapan mong ipunin o di kaya pinagbentahan ng inyong pagaari.

Ang pinakamasaklap ay `yung perang inutang mo pa at may interes din. Magpapaloko ka ba ng basta-basta? Mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: