^

Punto Mo

Isla Paraiso (23)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAG-ENROL si Marikit sa unibersidad na malapit lang sa tinitirahan niyang condo. Halos tanaw niya ang unibersidad. Tamang-tama sapagkat hindi na niya kailangang suma­kay pa. Nasa tamang lugar siya kung saan ay maaabot niya nang todo ang pangarap na makatapos ng kolehiyo. Wala na siyang haha­napin pa sapagkat narito na lahat ang mga kailangan niya para makatapos ng journalism.

Nasa paligid lang din ng condo ang mall at supermarket na mapupuntahan niya para bumili ng panga­ngailangan. Nasa kanya na nga yata ang lahat kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon.

Binayaran niya ang buong semestre ayon na rin sa utos sa kanya ni Atty. Buenviaje. At kung kukulangin, mag-text lang daw siya.

Hindi kinulang ang pera at sumobra pa nga. Itinabi niya iyon para magamit sa susunod na enrollment. Hindi siya dapat maging bulagsak sapagkat pinagkakatiwalaan siya ni Mang Alexis.

Binili niya lahat ang mga librong kailangan sa pag-aaral ng journalism. Kailangang pagbutihin niya ang pag-aaral para masulit naman ang gastos sa kanya ni Mang Alexis.

Pagkatapos ng kanyang klase ay uwi kaagad siya para mag-aral ng lesson. Sisikapin niyang mapabilang sa listahan ng mga matataas ang grades. Makakaya niya sapagkat talagang gusto niya ang kursong journalism. Noon pa mang nasa elementary siya pangarap na niyang maging mamamahayag. Sinabi na niya iyon sa kanyang Lolo Kandoy. At natutuwa naman ang kanyang lolo sa mga pangarap na binubuo niya.

Hindi niya maiwasang maisip ang kanyang lolo. Baka nagkakasakit ang kanyang lolo. Baka nalili­pasan ng gutom kapag nasa bukid.

Pero siguro naman ay hindi pababayaan ni Mang Alexis ang kanyang lolo. Makikinig naman siguro ang kanyang lolo sa payo ni Mang Alexis.

Kung mayroon lang sanang kuryente sa lugar nila, matagal na niyang natawagan si Mang Alexis. Kaawa-awa talaga ang Isla Paraiso na parang pinabayaan ang mamamayan doon. Hindi na naalalang lagyan ng kuryente at kalsada.

Kapag journa-list na siya, isusulat niya ang kalagayan ng Isla.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with