^

Punto Mo

Bayan na may kakaibang pangalan, pasok sa Guinness World records

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bayan sa Quebec, Canada ang nagawang makapasok sa pinakabagong edisyon ng Guinness Book of World Records.

Kinilala kasi ng Guinness ang munisipalidad ng Saint-Louis-du-Ha! Ha! bilang lugar na may pinakamadaming exclamation mark o tandang padamdam sa pangalan nito.

Sa pamamagitan na lamang ng Internet nalaman ng mayor ng Saint-Louis-du-Ha! Ha! na si Sonia Larrivee na kasama na pala ang kanilang lugar sa 2018 na edisyon ng Guinness Book of World Records.

Ipinaliwanag niyang ang Ha! Ha! na bahagi ng pangalan ng munisipalidad ay isang sinaunang salita sa wikang Pranses na ang ibig sabihin ay balakid o hindi inaasahang pagtatapos ng isang daan.

Pinaniniwalaang tumutukoy ang Ha! Ha! sa Lake Temiscouata na malapit sa kanilang lugar.

Dahil sa kakaibang pangalan nito ay madami raw mga turista ang tumitigil sa Saint-Louis-du-Ha! Ha! para lamang kunan ng litrato ang mga karatulang nagsasaad ng pangalan ng kanilang lugar.

May exclamation mark din ang bayan ng Westward Ho! sa United Kingdom pati na rin ang isang bayan sa Ohio ngunit ang Saint-Louis-du-Ha! Ha! lamang ang kaisa-isang lugar sa mundo na may taglay na dalawang exclamation mark sa pangalan nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with