^

Punto Mo

Mga kilos protesta pinagkakakitaan na?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI masisisi ni Pres. Rodrigo Duterte ang reaksiyon ng mamamayang nakaranas nang pagmamalabis ng mga nagpairal ng martial law noong dekada ’70 kung ang takot nito ay muling sasagi sa kanila tuwing sasapit ang Setyembre 21 na anibersaryo ng pagkakadeklara nito. Marami sa kanila ang senior citizens na at ang pagbabahagi nila ng mga naging karanasan nila noon ay naitatanim sa mga Pilipinong nasa murang edad pa lamang  na  nagdudulot ng pangamba kung sakaling ipairal na muli ito sa kanilang panahon.

 Ang problema ng gobyerno ni Ferdinand Marcos noong dekada ’70 ay internal na usaping pambayan, bagama’t may ideo­lohiyang pinalalaganap noon ang mga aktibistang estudyante at magsasaka tulad ng kina Vladimir Lenin ng Soviet Union at Mao TseTung ng Komunistang Tsina, hindi naman ito naging epektibong pangsambayanan dahil naman sa impluwensiya ng Amerika, kaya magpahanggang ngayon ay may paghihikahos sa pakikibaka ang mga makakaliwang puwersa sa bansa hanggang sa  pinanghimasukan na nila pati extortion at ang paglahok sa pulitika, makibahagi at makisalo sa  maruming sistema ng pulitika. Mistulang naging bisyo na ang pag-aaklas at pagpoprotesta ng ilang grupo, kaya napapaghinalaan tuloy sila na negosyo na ito at pinagkakakitaan ng ilan.

Ang sinalong problema ni Digong ay mistulang parusa, nariyan ang malawak na problema sa iligal na droga na nagbubunsod ng  mga heinous crime, teroristang ISIS at corruptions. Ang kaguluhan sa buong mundo ay nagmula pa noong kalagitnaan ng dekada 80 sa pag-usbong ng grupong Al Qaeda na pinamunuan ni Osama bin Laden sa giyera sa Afhganistan at ang ISIS naman na pinamunuan ni Abu Musab al-Zarqawi noong 1999 ay nauwi naman sa global terrorism at kasali na nga ang Pilipinas. Ang kaganapan sa Marawi ay isang patunay na  malaking banta sa seguridad at ekonomiya ng bansa kaya malaki talaga ang hinaharap na problema ni Digong dito!

Ang grupo ng mga kalaban sa pulitika ni Digong na ayaw tumigil sa pang-aasar sa kanya at ang maruruming taktika ng pamumulitika sa bansa ang kumikitil sa pagkakataon na makausad ang bansa sa kahirapan.

Nakakasawa na rin ang nakasanayan nang sinumang nasa oposisyon sa administrasyon na batikusin at hilingin ang pagbibitiw sa tungkulin nang nakaupo sa Malacañang sa tuwing meron silang gustong mangyari at hindi ito maisakatuparan.  Wala pa naman tayong naging Presidente na hindi ginulo ng sukdulan ng mga nasa oposisyon. Sana naman huwag nang maulit ang martial law, EDSA 1 at 2, dahil nagiging kakatwa na tayo sa mata ng bagong henerasyon. Ang minsan ay leksiyon at history,  pero ang gawin itong madalas ay bisyo na di po ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with