15 Natural na lunas sa alta presyon
Maglakad 15 minutes kada araw.
Kumain ng pagkaing mayaman sa potassium : avocado, saging, melon, pakwan, camote, spinach, lima beans.
Regular ang pag-inom ng iyong mga gamot.
Bawasan ang paggamit ng asin. Para masanay ang iyong panlasa sa matabang na pagkain, kung applicable sa recipe, damihan ang alinman sa mga sumusunod: bawang, basil, black pepper, at lemon.
Bumili ang home blood pressure kit. Mas malaki ang tsansang mag-ingat kung namo-monitor ang blood pressure araw-araw kaysa kung nalalaman lang ang blood pressure kung nagpapa-check-up sa doktor.
Iparada ang sasakyan nang malayo sa pintuan. Ito ay upang magkaroon ka ng tsansang maglakad araw-araw sa kabila ng pagkakaroon ng sasakyan. Mga 11 points ang ibinababa ng blood pressure kung maglalakad ng 4,000 to 5,000 steps araw-araw.
Sa halip na kape, uminom ng tsaa.
Magmeditasyon.
Kumain ng 3 ounces ng dark chocolate per day.
Makipag-holding hands o makipagyakapan sa minamahal ng 10 minuto araw-araw.
Kumain ng dried apricot. Lalong nagiging concentrated ang potassium, beta-carotene, fiber, at iron na taglay ng apricot kung ito ay dumaan sa drying process.
Regular na uminom ng 2 basong fresh orange juice: isa sa umaga at isa bago matulog. Mayaman ito sa potassium kaya nababawasan ang blood pressure ng 7 percent.
Mag-alaga ng aso o pusa.
Kumunsulta sa doktor kung may sleep apnea na nakakataas ng blood pressure.
Kumain ng roasted soybeans.
- Latest