^

Punto Mo

EDITORYAL - Pag-iinuman ng alak sa kalye, bawal na

Pang-masa
EDITORYAL - Pag-iinuman  ng alak sa kalye, bawal na

KARANIWAN na ang tanawin sa kalsada na nag-iinuman ng alak ang mga kalalakihan. Karamihan sa kanila ay hubad-baro pa at mala-lakas ang tawanan habang nag-iinuman. Ang ilan dahil sa kalasingan ay nakabulagta sa kalsada.

Ganyan ang senaryo sa mga kalsada particular sa mga mahihirap na lugar sa Metro Manila. Kahit ano na magustuhan nilang mag-inuman sa kalsada ay walang makakapigil sa kanila. Nakasanayan na nilang gawing bar ang kalsada. May pagkakataon pang nagvi-videoke sila habang nag-iinuman. Wala silang pakialam kung nakakabulahaw sila sa mga kapitbahay. Hindi naman makapagreklamo ang mga kapitbahay sapagkat natatakot. Maaaring may baril ang mga nag-iinuman at magpaputok. Hayaan na lamang sila. Tiisin na lamang pambubulahaw ng mga nag-iinuman.

Pero nakita na pala ni Pres. Rodrigo Duterte ang problemang ito kaya naman ipinag-utos niya sa local government at police officials na arestuhin at i-detain ang lahat nang nag-iinuman ng alak sa kalye. Ang utos ay ginawa ni Digong sa isang pagtitipon ng mga public attorneys sa Manila Hotel noong Lunes. Karaniwan daw na ang pag-iinuman sa kalye ang pinagsisimulan ng gulo. May nagkakapikunan at naghahamunan ng away. Dahil sa ginagawa ng mga ito ay natatakot ang mga tao.

Kaya utos niya sa mga pulis na kapag nakakita ng mga nag-iinuman o kakalat-kalat na lasing sa kalye, arestuhin agad at ikulong. Tinatakot daw ng mga nag-iinuman ang mga tao. Iniiwasan ng mga tao ang nag-iinuman dahil baka sila kursunadahin o kung babae ay baka bastusin.

Maganda ang kautusang ito. Mas magandang tingnan ang kapaligiran kapag walang nag-iinuman. Ang pag-iinuman ng alak ay dapat itinatago at hindi sa kung saan-saan lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with