^

Punto Mo

Isla Paraiso (21)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPANGITI si Atty. Buenviaje makaraang basahin ang sulat ni Alexis na dala ni Marikit.

“Salamat at nagbago na si Alexis. Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Natagpuan na raw niya ang sarili sa isang malayong isla. Natutuwa ako sa nangyari sa kanya. Matagal na ka­ming magkakilala ni Alexis. Magkaklase kami mula high school hanggang kolehiyo. Nagtuloy nga lang ako ng Law at siya ay hindi. Sa dami ng pera ng kanyang pamilya ay maski hindi na siya magtrabaho. Lahat nang kasaganaan ay nasa kanya. Pero nagsasawa na raw siya sa buhay. Sa totoo lang ng araw na umalis siya ay nagpaalam sa akin, tatawid daw siya ng dagat at bahala na. Pinaalalahanan ko na mag-ingat dahil may paparating na bagyo. Iyon ang huli naming pag-uusap. Pero noon pa, mayroon na siyang instructions sa akin na anuman ang mangyari sa kanya, ang maiiwan niyang pera ay gamitin sa pagpapaaral ng mga deserving students. Kaya masuwerte ka Marikit, dahil ikaw ang unang scholar ni Alexis. Nakasaad sa sulat ni Alexis na ibigay lahat sa’yo ang tulong para makapagtapos ka ng anumang gustong course sa college. Lahat ay libre!’’

“Marami pong salamat Attorney.’’

“Halika at may ituturo ako sa’yo, Marikit.’’

Nagtungo sila sa may bintanang salamin.

“Nakikita mo ang mataas na condo na yun? Kay Alexis yan. Dun ka titira. Kumpleto ang gamit sa unit. Lahat nang kaila­ngan mo ay nasa condo na.’

“Salamat po uli.’’

“Halika at may ibibigay ako sa’yo.’’

Nagbalik sila sa mesa ni Attorney.

May dinukot na makapal na sobre si Attornery sa table.

“Heto ang monthly allo­wance mo at ang pang-tuition sa buong taon. Kung kukula­ngin, mag-text ka lang. May cell phone pa palang bigay sa iyo kaya madali tayong magkakausap.’’

May kinuha pa sa drawer si Attorney. Susi!

“Ito ang susi ng room mo sa condo.’’

Hindi makapaniwala si Marikit sa suwerteng sumapit sa kanyang buhay.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with