^

Punto Mo

Paulit-ulit na lamang ang hazing

PULSO NG MASA - Pang-masa

Isa na namang estudyante ang namatay sa kamay ng kanyang mga ka-brod. Grabeng pahirap ang inabot ni Horacio Castillo III dahilan para siya mamatay. Para siyang hayop na pinahirapan at ang masaklap pa ay iniwan sa bangketa, ayon sa lalaking nakakita sa katawan ni Castillo noong Linggo ng umaga. Nakabalot ng kumot ang bangkay ni Castillo. Dinala ito ng lalaki sa Chinese General Hospital pero dead on arrival na ito. Ayon sa mga doctor, atake sa puso ang kinamatay ni Castillo. Hindi umano nakayanan ng puso ang sakit dulot ng pambubugbog.

Kalunus-lunos ang sinapit ni Castillo na katulad din ng dinanas ng iba pang hazing victims ilang taon na ang nakararaan. Sunud-sunod ang mga namatay sa hazing noong 2014 at 2015. Pawang law students ang biktima.

Ang alam ko ay mayroong batas, ang Anti-Hazing Law na nagsasaad na hindi sasaktan ang mga neophytes. Kapag may namatay mananagot ang mga miyembro. Habambuhay umano ang parusa sa mapapatunayan.

Pero para sa akin, dapat pang amyendahan ang Anti-Hazing Law sapagkat hindi na kinatatakutan. Patuloy pa rin ang pagpapahirap sa mga bagong miyembro. Sana, mabago na ang batas para naman masindak ang mga uhaw sa dugong miyembro ng frat.

---MICHAEL SAPUNGAN, Gastambide St. Sampaloc, Manila

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with