^

Punto Mo

#Sumbong promdi hash tag

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ITO ang hash tag na gamit ng Kilos Pronto kung ang mga sumbong na inilapit sa amin ay galing sa probinsiya. Malayo-malapit man, wala kaming pinipili at sa abot ng aming makakaya ay agad namin itong inaaksyunan. 

Mula pa Zamboanga, inireklamo ng mga residente ng Barangay Guicam sa Alicia, Zamboanga Sibugay ang maputik at lubak lubak nilang kalsada. Ilang pulitiko na raw ang nangako sa mga eleksyong nagdaan pero lahat ng pangako ay napapako.

Upang bigyan ng agarang aksyon at solusyon nakausap namin si Mayor Yasser Musa ngunit tila yata hindi maganda ang samahan nila ni Governor Wilter Palma dahil magkaiba sila ng partidong pinanggalingan kaya naman pati kanilang mga residente napeperwisyo dahil sa kanilang kagagawan.

Ang siste itong si Mayor Musa galing sa partidong PDP laban at ito namang si Governor Palma ay mula sa Partidong Liberal kaya naman para silang mga batong naguumpugan. May hang-over pa ata sa eleksyon ang mga kumag na opisyal, aba’y may diskriminasyon pa rin pag dating sa kulay.

Ang alkaldeng nakausap namin nagpasalamat pa sa residente na nagsumbong sa Kilos Pronto, nagkaroon kasi siya ng pagkakataon na magsumbong sa amin tungkol sa kaniyang nararanasan sa di kapartidong opisyal.

Ang pobreng mayor kasi porke hindi kapartido pinabayaan na daw siya. Pati pagpapatupad ng proyekto si Gov. Palma lang daw ang nagdedesisyon, ang mga contractor ay kapamilya rin ni Governor!

Ang gobernador walang pakialam kahit magdusa ang mga residente maski pati kalabaw sumuko na sa maputik at lubak lubak na daan, ramdam na ramdam ang ugaling dilawan. Ang mga proyekto ni Mayor hindi pinipirmahan kaya ang ending - bihira ang ambon ng grasya kaya usad pagong ang resulta.

Oyyy Gov. Palma, baka nakakalimot kang si Pres. Rodrigo Duterte na ang nakaupong pinuno ng bansa, magising ka na sa katotohanan bago ka pa masupalpal sa mga bugok mong estilo.

Para sa mga opisyal ng gobyerno, mensahe ni BITAG, i-prayoridad n’yo ang kapakanan ng mga residenteng kinasasakupan niyo dahil hindi kayo iniluklok para sa sariling interes o ng partido niyo.

Hindi dapat kinukulayan ang serbisyo publiko lalo na ang mga nasasakupan n’yong publiko ang apektado. Ituwid ‘yang mga kukote n’yo, nakakahiya naman sa mga taong bumoto sa inyo kung puro alitan lang kayo diyan sa Munisipyo at Kapitol!

Ipinaabot na ng Kilos Pronto ang sumbong na ito sa Department of Public Works and Highways para sa mabilisang aksiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with