^

Punto Mo

EDITORYAL - Hazing na naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hazing na naman

NANG mamatay sa hazing ang mga San Beda law students na sina Marc Andrie Marcos, 21 at Marvin Reglos, 25, noong 2012 at ang De La Salle-College of  St. Benilde na si Guillo Cesar Servando, 18, noong 2014, maraming umasa na wala nang susunod pang karahasan na sangkot ang fraternity. Isa pa, mayroon nang Anti-Hazing Law kaya marami nang fraternity ang matatakot na magsagawa ng anumang pananakit sa initiations rites. Dahil may batas, hindi na mauulit ang pananakit na nagreresulta sa kamatayan ng miyembro.

Pero mali pala sapagkat patuloy pa rin ang hazing sa fraternity. Sa kabila na marami na ang namatay, nananatili pa rin ang “kauhawan sa dugo” ng kanilang ka-frat.

Noong Linggo, natagpuan ang katawan ni Horacio Tomas Castillo III, 22, Law student sa UST sa bangketa sa Balut, Tondo, Manila. Nakabalot sa kumot ang katawan nang matagpuan ng isang good Samaritan. Maraming pasa sa katawan si Castillo. Isinugod ito sa Chinese General Hospital pero dead on arrival na ito.

Ayon sa report, sumali sa Aegis Juris fraternity ang biktima at nagpaalam sa mga magulang noong Sabado na mag-oovernight sapagkat ipakilala raw silang mga bagong miyembro. Wala raw hazing na magaganap. Subalit kinabukasan, nakatanggap ang mga magulang ng isang text na nasa ospital ang kanilang anak at wala nang buhay.

Wala na ngang natatakot sa Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing Law. Kahit na habambuhay na pagkabilanggo ang parusa, patuloy pa rin itong nilalabag. Mistulang “uhaw na sa dugo” ang mga nagsasagawa ng pagpapahirap. Wala nang nadadama sapagkat gustong gumanti sa naranasan din noon sa kamay ng mga naka-frat.

Bakit kailangan pang saktan ang mga miyembro para lamang masabing welcome siya sa grupo. Maaari namang idaos ito na walang masasaktan. Kapag nangyari na ang pagpapahirap at namatay ang biktima, guho na ang kinabukasan. Sayang ang buhay! Alisin ang madugong initiation rites.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with