Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Tularan n’yo ang recruitment agency na ‘to!’

IRESPONSABLE, walang kuwenta at walang puso. Mga salitang nakadikit na sa pangalan ng ilang recruitment agency dito sa ating bansa.

Sa programa naming Kilos Pronto, napakarami nang recruitment agency ang sa amin ay inireklamo. Hindi namin sila pinalampas, lalung-lalo na ‘yung mga bastos at walang modo. Wala kaming sinanto at lahat sila napasama sa shame campaign ng aming programa.

Berdugo kami sa pamamahiya at pag-e-expose ng kalokohan, marunong din naman kaming magbigay-pugay sa mga matitino at maaasahang indibidwal man, grupo, kompanya o institusyon.

Katulad na lamang ng JSC Global Recruitment Services Inc. Alerto, alisto at higit sa lahat may puso. Pagkatawag pa lang namin ni ‘Tol Erwin, meron nang aksiyon. Naibigay agad sa OFW ang pitong buwan niyang suweldo na tinatago ng Arabong employer.

Pero hindi pa roon natatapos ang kuwento. Sinabihan din nila ang kanilang foreign recruitment agency na i-rescue ang kababayan natin sa abusadong employer at dalhin ito sa Philippine Overseas Labor and Office (POLO) para makausap ng labor attaché.

Ganyan ang tunay na recruitment agency! ‘Di tulad ng iba na patulug-tulog sa pansitan, pera-pera lang. Hangga’t ‘di sinasabihan, hindi magsisigalaw.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Di ko alam kung gusto ba munang mabanatan ng mga ‘to o sadya talagang mga tamad at ang gusto lang magkamot ng kanilang mga bombolyas.

Hoy mga unggoy! Ayusin n’yo naman ang trabaho, buhay ng mga kababayan natin ang pinag-uusapan dito. Bakit di n’yo tularan ang JSC Global Recruitment Services Inc.? Alam nila kung ano agagawin sa mga ganitong klase ng sitwasyon at Kilos Pronto sila kung umaksiyon!

Kabilib ang kilos prontong aksiyon ng ahensiyang ‘to ha. Dapat lahat nang agency katulad ninyo, para ang mga kababayan nating nagpapakahirap sa ibang bansa hindi naman maabuso at maagrabyado.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: