^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi maganda ang mga obese na pulis

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi maganda ang mga obese na pulis

KAPANSIN-PANSIN na maraming obese na pulis ngayon. Tila napabayaan sa kusina at wala nang balak magpapayat. At karaniwang ang mga obese na pulis ay mga PO1. Baliktad na sapagkat kung sino ang baguhan ay sila pa ang naglalakihan ang tiyan. Noon, ang mga baguhang pulis ay mga payat nang pumasok sa serbisyo at pagkaraan ng isang taon ay lumobo na ang tiyan.

Maraming PO1 ang matataba at halos hindi na maitago ang bilbil sa asul na uniporme. Malaking problema ito kung may hahabuling criminal sapagkat tiyak na hindi makakatakbo si PO1 o si PO2. Paano mapagsisilbihan at mapuprotektahan ang mamamayan kung ganitong hindi siya makahabol sa mga kawatan.

Noong si Sen. Panfilo Lacson pa ang PNP chief, nagkaroon siya ng kampanya na dapat ay 34 inches ang waistline ng mga pulis. Kapag lumampas sa 34, dapat sumailalim sa fitness program. Ipinatupad ito ni Lacson kaya nabawasan ang mga obese na pulis. Nang mawala si Lacson sa PNP, nawala na rin ang kampanya sa mga “taba-pulis”. Ang mga sumunod pang PNP chief ay wala nang naging programa para maging fit ang mga pulis. Hinayaan nang lumobo ang mga ito at sa kasalukuyan, marami pang “taba-pulis” ang naglisaw sa mga presinto.

Ibalik ang kampanya laban sa mga obese na pulis. Isailalim sa dibdibang workout ang mga pulis, Hindi magandang pagmasdan ang pulis na mataba. Sa rami ng mga nangyayaring krimen ngayon, kailangan sa mga pulis ay matitikas at handang makipagsabayan sa mga “halang ang kaluluwa”.

Magkaroon nang paghihigpit sa pag-recruit o pagtanggap sa mga baguhang pulis. Kadalasan, may mga padrino ang mga nakakapasok na pulis ngayon kaya kahit na “obese” ay natatanggap. Huwag pairalin ang palakasan sa pagkuha ng mga miyembro ng PNP.

Magandang tingnan kung ang mga pulis ay hindi malalaki ang tiyan. Nakakadagdag sa image ng PNP kung ang mga pulis ay fit na fit. Ibalik ang kampanya na sinimulan ni Lacson sa PNP noon. Makakatulong ito nang malaki.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with