^

Punto Mo

Parekoy (119)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKABANTAY sina PO3 Jun at Lino sa anumang sasabihin ng mga doctor na tumitingin kay Dong. Kailangan daw ma-operahan si Dong para maalis ang mga bala na nasa katawan. Mahabang oras umano ang kailangan para sa operasyon.

Sa lobby ng ospital naghintay ang dalawa. Nakaupo sila at nag-uusap tungkol sa mga nangyari sa laboratoryo ni General kung saan si Cielo ang kanyang chemist.

“Matapang si Dong, Parekoy. Akala ko noong una ay takot siya pero hindi pala. Siya pa ang nagplano kung paano kami makakapasok sa loob. Kabisado niya ang lahat. Kung tutuusin, puwede siyang bumaliktad Parekoy. Pero hindi niya ginawa iyon.’’

“Nakakahanga pala ang ginawa niya PO3.’’

“Oo Parekoy. Kahanga-hanga. Gusto na raw niyang magbago at kahit man lang daw sa paglaban sa mga tauhan ni General ay maipakita niya ang pagbabago.’’

“Sana mabuhay si Dong.’’

“’Yan ang dinadasal ko sa Diyos, Parekoy. Sana bigyan pa siya ng Diyos nang pagkakataong mabuhay.”

“Mayroon bang pamilya si Dong, PO3?’’

“Meron. Katunayan, sabi ni Dong sa akin bago kami nakipaglaban kay General, huwag ko raw pababayaan ang kanyang pamilya sakali at may mangyari sa kanya. Tulungan ko raw ang kanyang pamilya.’’

‘‘Alam na ba ng pamilya ni Dong ang nangyari sa kanya, PO3?’’

“Hindi pa. Huwag muna nating ipaalam. Gusto ko munang marinig ang sasabihin ng doctor, Parekoy.’’

“Ikaw ang bahala, PO3. Sana naman makaligtas si Dong.’’

Ilang oras pa silang naghintay sa ginagawang operasyon kay Dong.

Madaling araw nang matapos ang operasyon.

Nakita nila ang doctor na umopera kay Dong na papalapit sa kanila. Mukhang may mahalaga itong sasabihin sa kanila.

Dasal nang dasal ang dalawa.

Halos hindi sila humihinga.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with