^

Punto Mo

‘Katuwang naming sa imbestigasyon ang mga eksperto!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI namin estilo sa BITAG at Kilos Pronto ang magdunung-dunungan lalo na sa mga sensitibong isyu tulad ng pinansiyal, medikal at iba pa.

Pero hindi ibig sabihin nito ay tanga kami na puwedeng goyoin sa pamamagitan ng mga palusot o pagsisinungaling ng inirereklamo o aming subject.

Maingat naming binabalanse ang dalawang panig – ang hinaing o reklamo at ang depensa o kasagutan. Dahil hindi kami eksperto sa mga teknikal na usapin, sinisiguro naming may mga dalubhasang umaalalay sa amin.

Itong kaso na pagkamatay ng isang sanggol na ipinalabas sa Kilos Pronto nitong Lunes lamang, kinakailangan ng malalim na imbestigasyon ng mga medical experts.

Nagsimula lamang sa mga pigsang tumubo sa ulo ng bata ang lahat. Sa rekomendasyon ng doktor ng Alfonso Medical Clinic na tumingin sa sanggol, nauwi sa pagkamatay ito.

Likas na masigla raw ang bata ayon sa amang nagrereklamo subalit matapos ang operasyon, namutla at tumaas lalo ang lagnat ng bata.

Ayon daw kay Dr. Irineo Alfonso, normal na reaksyon ito pagkatapos maoperahan. Subalit ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na kinaya ng magulang ng bata, bumula ang ilong at bibig ng bata.

Agaran daw tinurukan ng gamot ang bata sa magkabilang braso para bumaba raw ang lagnat, pero mas lumala ang kondisyon nito.

Dito na nagpayo si Doc. Irineo na ilipat ang bata sa ibang ospital, subalit dead on arrival na ang bata nang dalhin ito sa ibang pagamutan.

Palaisipan sa amin ang nangyari sa bata dahil may paliwanag ang siyensiya na dapat maayos na ipinapaalam at malinaw na nauunawaan ng magulang ng pasyente.

Maaaring bunga ito ng kapabayaan, medical malpractice o di kaya naman ay ang tunay na kalagayan ng pasyente na hindi tiyak na naipaalam sa mga nagrereklamo.

Sa parte ng Kilos Pronto at BITAG, nagawang makausap ng naghihinagpis na ama ang doktor na kanilang inirereklamo. Medyo iritado kasi ang tono ni Doc na dapat sana ay naging pasensiyoso siya dahil nawalan ng mahal sa buhay ang nagrereklamo.

Mabuti na lamang at hindi namin siya kaharap, baka hindi rin kami nakapagpigil ni Tol Erwin at literal namin siyang nahambalos.

Kasalukuyang nasa Camp Crame-Medico Legal Services Division ang kasong ito at nakatutok kami.

Mababalatan nang buhay kung sino ang nagsisinungaling dito. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with