^

Punto Mo

EDITORYAL - Umaalingasaw ang baho sa Bureau of Customs!

Pang-masa
EDITORYAL - Umaalingasaw ang baho sa Bureau of Customs!

KAHAPON, inisa-isa ni Sen. Panfilo Lacson ang mga opisyal ng Bureau of Customs na tumatanggap ng “tara” o suhol. At nakaka-shock na pati si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ay tumatanggap. Taliwas ito sa sinasabi niyang hindi siya tumatanggap. Kabilang din sa mga binanggit ni Lacson na tumatanggap ng “tara” ay ang mga da-ting sundalo ng Magdalo na kasamahan ni Faeldon. At dahil tumatanggap ng “suhol”, naging bulag ang mga opisyal at empleado kaya hindi makita ang P6.4 bilyong halaga ng shabu. Naipuslit ang shabu at humantong sa isang warehouse sa Valenzuela.

Ilang linggo nang iniimbestigahan ng Senado at Kongreso ang naipuslit na shabu at marami nang mambabatas ang humiling na magbitiw si Faeldon pero una nang sinabi ng Customs chief na si President Duterte lamang ang makapagpapaalis sa kanya. Ilang beses na rin umano siyang nag-resign pero ayaw tanggapin ng Presidente.

Pero noong Lunes, natupad din ang hiling ni Faeldon nang palitan na siya ng Presidente. May bago nang commissioner ang Customs sa katauhan ni Isidro Lapeña, dating pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ganunman, sa kabila na tinanggal si Faeldon, naniniwala pa rin si Duterte na malinis daw. Napalusutan lang daw si Faeldon kaya nangyari ang ganun. Ayon sa Presidente, matagal din siyang nag-isip bago nakapagpasya sa kaso ni Faeldon.

Kahapon, sa previlege speech ni Lacson, mariin niyang inihayag ang nangyayaring korapsiyon sa Customs dahilan para maging bulag ang lahat doon at hindi na makita pati ang shabu na pumapasok.

Ngayon masusubok ang kakayahan ni Lapeña na ayon kay Lacson ay taong may integridad. Wasakin ni Lapeña ang korapsiyon sa Customs. Magkaroon ng revamp. Mula itaas-pababa, alisin lahat para magkaroon ng pagbabago. Sa ganitong paraan lamang mahahango ang Customs na nakalublob sa mabahong pusalian dahil sa talamak na katiwalian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with