^

Punto Mo

TNVS Operators busog, may-ari ng UBER lasog!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

ANG Transportation Network Vehicle Service (TNVS) operators ang humahawak sa Uber at Grab taxi at humaharap sa mga usapin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Humigit-kumulang diumano sa 30,000 units na ang tumatakbong Uber at Grab sa mga kalsada na kung kukuwentahin sa minimum na kinikitang P3,000 araw-araw ay magkakahalaga ng P90 milyon samantalang 25% nito ang kinokolekta ng TNVS. Samakatuwid, P22.5 milyon ang kinikita nila araw-araw? Kaya pala balewala sa kanila ang P5 milyon na multang ipinataw ng LTFRB dahil sa iregularidad ng kanilang operasyon.

Ang karamihan sa Uber at Grab ay inutang lamang ng mga may-ari nito at ang kakarampot na kinikita nito ay sapat lamang na panghulog sa buwanang obligasyon nito sa mga inuta­ngang banko.

Mantakin mo nga naman na hindi bumibili ng sasakyan ang mga TNVS at ni wala naman silang ginagastos sa gasolina, gulong, langis at pagkaluma ng sasakyan na sa loob ng 5-7 taon ay karag-karg na ito at mababa na ang book value pero mas malaki pa ang natatanggap nilang porsiyento mula sa kinikita ng mga Uber at Grab taxi. May international counterpart ang TNVS operators sa ibang bansa, kaya maaring lumalabas din ang pera natin palabas ng bansa, kaya dapat talagang usisain ito ng BIR at mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pananalapi.

Noong una, ang problema ay ang dumadaming colorum units ng Uber at Grab, ngunit nang lumaon ay nakialam na rin ang BIR upang alamin kung nagdedeklara ang TNVS Operators ng kanilang kinikita dahil kung marami nga naman ang hindi nakarehistro sa LTFRB, madali nilang mapapalusot ang kinita nilang milyones sa BIR mula sa accredited nilang mga sasakyan pero wala namang mga prankisa mula sa LTFRB.

Totoong malaking tulong ito sa jeepney drivers na mawawalan ng pinapasadang jeep dahil sa gradual phaseouting ng mga lumang passenger jeepneys, pero hindi naman dapat na pagsamantalahan ng TNVS operators ang kahinaan ng mga kawawang namamasada at may-ari ng mga sasakyan.

Bakit hindi ang gobyerno na lamang ang mangasiwa ng ganitong operasyon gayung kaya naman ito ng Bureau of Communication Services. Mantakin mo nga naman ang papasok na salapi sa bayan mula sa Uber at Grab di po ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with