^

Punto Mo

EDITORYAL - Rubout

Pang-masa
EDITORYAL - Rubout

HINDI magsisinungaling ang ebidensiya. Kitang-kita ang mga ginawa kay Kian delos Santos makaraan itong damputin ng tatlong pulis noong Miyerkules ng gabi. Sinadyang patayin si Kian delos Santos, ayon sa awtopsiyang ginawa ng Public Attorney’s Office (PAO). Binaril si Kian habang nakasubsob. Tatlong tama ang tinamo nito. May isang tama sa kaliwang taynga at dalawa sa likod. Pawang pababa ang tama na indikasyong nakatayo ang bumaril. Ang una at ikalawang tama ay binaril ng iisang tao samantalang ang ikatlong tama ay inaalam pa. Ang malinaw, pawang nakatayo ang mga bumaril kay Kian habang ang estudyante ay nakaupo. Isang 9mm na service firearm ang ginamit sa pamamaril. Natagpuan ang bangkay ng estudyante sa isang eskinita na pinagtatambakan ng basura. Ayon pa rin sa awtopsiya, walang nakitang galos sa katawan ni Kian.

Ang awtopsiya ay naglalantad na intensiyon ang pagpatay sa estudyante at taliwas din sa sinasabi ng tatlong pulis na lumaban ito. Ayon sa bersiyon ng mga pulis, tumakbo si Kian nang magsagawa sila ng drug operations. Bumunot umano ng baril si Kian kaya napilitan silang magpaputok. Ayon pa sa mga pulis, nakunan ng dalawang sachet ng shabu si Kian.

Ayon naman sa mga nakasaksi, dinampot at akbay-akbay ng mga pulis si Kian nang dalhin sa direksiyon na kinakitaan ng bangkay nito. Ayon pa sa mga saksi, binigyan daw ng baril ng mga pulis si Kian at nang itanong nito kung ano ang gagawin sa baril, sabi ng pulis ay ‘‘iputok mo!’’

Tinanggal na ang tatlong pulis pati ang commander ng mga ito. Kahapon pati ang hepe ng NPD ay sinibak na rin.

Binabatikos si Duterte sa madugong drug operations. Sabi niya kapag napatunayang rubout ang nangyari sa estudyante, makukulong ang tatlong pulis. Pero sa kabila ng pangyayari, patuloy pa rin ang kampanya sa illegal drugs.

Malinaw ang ebidensiya sa tatlong pulis kaya dapat silang parusahan. Bakit kailangan nilang patayin ang isang estudyante na pinaghihinalaan nilang drug runner. Puwede namang arestuhin kung may sapat na ebidensiya. Nagmistulang mga hayop na uhaw sa dugo ang mga pulis na pumatay kay Kian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with