^

Punto Mo

‘CBCP: Hindi po ako lumaban’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

“ANG GULO NA NG BAYAN” ito ang naging pahayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villlegas.

Ang kasalukuyang kampanya daw ng administrasyon laban sa droga ang naging dahilan kung bakit magulo ang ating bansa ngayon.

Tanong din ni Soc. Villegas sino ang magtatanggol sa mga napatay? “Ang pumatay ay may parangal. Ang pinatay ay sinisisi. Hindi na makapagpapaliwanag ang mga bangkay sa bintang sa kanila na nanlaban kasi. Hindi na nila masabi, nagmakaawa po ako hindi ako lumaban,” sabi ni Soc. Villegas.

Isa sa pinakapinag-usapang napatay sa kampanya laban sa iligal na droga ni Presidente Rodrigo Duterte ay ang labing pitong taong gulang na si Kian Lloyd Delos Santos.

Ayon sa mga pulis ay ang menor de edad na binatilyo ang unang nagpaputok kaya ito napatay. Taliwas sa bersiyon ng mga lumutang na testigo na binugbog umano ang binatilyo at pinahawak ng baril sabay inutusang iputok at tumakbo.

Sa nakuhang CCTV ng barangay kitang-kita na inakbayan ng dalawang lalaki ang hinihinalang si Kian. Tinaniman lang din umano ito ng iligal na droga.

Kasunod na nito ang naglabasang mga testigo na umano’y runner itong si Kian ng kanyang ama at tiyuhin.

Sinibak na sa pwesto sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pineda, PO1 Jerwin Cruz at ang Station Commander na si Chief Insp. Amor Cerillo.

Kabi-kabilang kahilingan na maimbestigahan ang pagkakapatay sa binatilyo. Kinukwestiyon din ng pamilya delos Santos ang sinabing ito ang unang nagpaputok. Sa kaliwang kamay nakuha ang calibre .45 pero hindi naman daw ito kaliwete.

Hindi sapat para sa kanila na masibak lang sa pwesto ang mga opisyal na sangkot sa nasabing insidente.

Nagkasa naman ng imbestigasyon ang Kongreso para matukoy kung ano nga ba ang totoong nangyari sa nasabing insidente. Ilalagay naman sa Witness Protection Program ang pamilya Delos Santos at ilang testigo.

Marami ang nagtatanong kung bakit sa kampanyang ito pawang mahihirap lamang ang napapatay habang ang mga may kapangyarihan, may posisyon at pera ay dumadaan sa proseso at nakakapagsumite pa ng salaysay.

Labing pitong taong gulang lang si Kian, kung totoo man na sangkot ito sa bentahan ng iligal na droga pwede pa itong maialis sa ganung sistema at matulungan.

Sa CCTV makikitang hindi nanlaban ang binatilyo. Ngayon ay may lumulutang nang nagtutulak din ng droga na umano’y katransaksyon ni Kian.

Mabuti ding mahimay itong mabuti ng Kongreso para mapagdugtung-dugtong ang pangyayari at malaman kung sino nga ba ang may pagkukulang o nang abuso.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with