^

Punto Mo

Kasong pagpaslang kay Kian, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kailangan talagang mabigyan ng masusing imbestigasyon at papanagutin ang mga sangkot sa pagkapaslang sa grade 11 student na si Kian Lloyd delos Santos sa isinagawang drug operations sa Caloocan noong nakalipas na linggo.
Matindi ang naging  impact nito sa marami nating kababayan.

Ito ay dahil nga taliwas sa unang ulat na nanlaban umano ito, eh nakita sa CCTV kung paano ito binitbit lang ng mga umano’y pulis.
Bukod pa ang paglutang ng mga testigo na nakasaksi kung paano pinatay ang binatilyo.

Dahil nga sa pangyayaring ito, nakatakda na ngang magsagawa ang dalawang kapulungan ng kongreso ng imbestigasyon sa insidente at sa ilan pang maramihang insidente ng pagkapaslang na naganap nito lamang nakaraang linggo.

Nalagay na naman sa alanganin  dahil sa ganitong mga pangyayari ang giyera laban sa ilegal na droga ng pamahalaan, dahil nga ang natatatak ngayon sa isipan ay ang maramihang ‘pagpatay’.

Dapat na masilip itong mabuti lalo na ng pamunuan ng PNP na hindi maitatagong muling nalagay na naman sa alanganin at nagkakabatik dahil sa sunud-sunod na namang insidente ng pagkamatay sa drug operations.

Kailangan kasing matutukan nang husto lalo na ng mga opisyal sa hanay ng pulisya ang isinagawang ganitong mga operation, kasi baka hindi na nasusunod ang mga patakaran o ang standard operation procedure at nagkakanya-kanya na lamang ng diskarte ayon sa kanilang gusto.

Kapag ganito ang nangyari, talagang malalagay sa kompromiso ang kampanya sa illegal drugs ng gobyerno at ito ay hindi makabubuti.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with