^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi kaya ang corruption sa Bureau of Customs

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi kaya ang corruption sa Bureau of Customs

SA wakas, inamin din ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon na may corruption sa pinamumunuang tanggapan. Sinabi niya ito noong Martes sa pagdinig ng Senado kaugnay sa nakalusot na P6.4 bilyong shabu mula sa China. Ayon kay Faeldon, bago pa siya maupo sa Customs ay laganap na ang “tara” sa mga shipment na pumapasok sa Aduana. Pero ayon kay Faeldon, hindi raw niya kayang linising mag-isa ang Customs. Kailangan daw niya ang katulong para masawata ang corruption doon.

Nagkainitan pa sina Faeldon at Sen. Antonio Trillanes sa hearing noong Martes. Tinanong ni Trillanes si Faeldon kung may corruption sa Customs pero hindi ito sinagot ng commissioner hanggang sa magkasagutan na sila. Namagitan lamang si Sen. Richard Gordon, chairman ng blue-ribbon committee na nag-iimbestiga sa shabu shipment kaya natigil ang bangayan ng dalawa. Dating magkasama sina Faeldon at Trillanes nang kubkubin ang Oakwood noong 2007 at hiningi ang pagbibitiw ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Corruption sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dahilan ng kanilang stand-off.

Ngayon ay nagkasama uli sila pero hindi na tulad noon ang sitwasyon. Si Trillanes na ang nagtatanong ukol sa corruption ngayon sa Customs. At tila naman iniiwasan ni Faeldon ang isyung ito.

Maaari namang sumagot agad si Faeldon sa mga nangyayari sa Customs. Hindi na siya dapat maglihim pa. Dapat matapang niyang sagutin ang tanong ni Trillanes. Pero nababahag yata ang buntot niya kaya hindi masagot ang mga tanong ni Trillanes. Pero sa dakong huli, sinagot din niya ang tanong kung may corruption sa Customs.

Walang kakayahan si Faeldon na lupigin ang corruption sa Customs. Kahit pa binitbit niya ang mga kasamahang sundalo at nilagay sa Customs, balewala rin. Wala naman kasing karanasan ang mga bitbit niya at bagkus ay nasasangkot pa sa corruption.

Ngayon, dinadaan na lang ni Faeldon ang lahat sa pag-iyak-iyak. Kung wala siyang kakayahan na supilin ang corruption sa Customs, kusa na siyang bumaba. Kahit ba ayaw ni President Duterte, siya pa rin ang magpapasya sa sarili. Kung walang kakayahan, iwan  ang upuan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with