^

Punto Mo

Botox: Para lang ba sa wrinkles?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

NITONG nagdaang dekada, naging popular ang praktis ng pagpapa-botox. Kung dati-rati ay inililihim ito nang marami ngayon ay halos ipangalandakan pa na sumailalim sila sa procedure ng  pagpapa-botox. Higit ng 20 taon ngayon na ginagamit ang botox para tanggalin ang wrinkles at iba pang lukot sa mukha.

Galing ito sa by-product ng isang bacteria na kung tawagin ay Clostridium botulinum. Kumbaga, isa itong toxin o lason mula sa nasabing bacteria. Pero ito lang yata ang klase ng lason na nagpapaligaya sa marami sa atin. Kapag kasi ini-inject ang toxin na ito sa mga nerves at muscle sa mukha, napaparalisa ang mga apektadong nerves at masel kaya hindi na ito pansamantalang makagagalaw. Yung mga masel na ginagamit natin sa pagkunot ng noo at ang mga linyang nalilikha sa mata dulot nang pagngiti ay hindi na muna gagalaw. Ang epekto? Walang wrinkles o di kanais-nais na linya sa mukha. Sa panahon ng mga emojis, papalisin ng botox ang waring negatibong emosyon na mababakas sa mukha. Nakapagpapabata. Nagmumukhang fresh ang nagpa-botox.

Gamit ang pinong karayom, ang nasabing nerve poison ay ini-inject sa tinatawag na corrugator muscle. Ito ang muscle na nasa pagitan ng ating dalawang kilay na nalulukot kapag nagagalit o nagre-react tayo. Kapag hindi na makagalaw ang nasabing muscle, nagmumukhang bata ang mukha. Iyon nga lang, di masyadong mababakas sa mukha na galit na ang isang tao.

May mga nagsasabing baka may masamang epekto ito dahil sa posibilidad na maglakbay ang toxin sa ibang bahagi ng mukha at mapunta sa dakong utak.   Pero maraming doktor ang nagsasabi na ang dami na ginagamit para sa cosmetic purpose ay wala halos kaakibat na panganib.

Iba pang gamit ng botox sa katawan:

Binabawasan  ang wrinkles sa noo, sa paligid ng mata, at sa pagitan ng dalawang kilay

Tinatanggal ang di makontrol na pagpikit-pikit.

Isinasaayos ang tinatawag na lazy eye o kahit ang pagkaduling.

Tinatanggal ang sakit sa ulo dulot ng migraine.

Pinagiginhawa ang sakit na dulot ng kalyo.

Binabawasan ang pananakit na dulot ng neck muscle spasm, neck pain

Binabawasan ang kirot na dulot ng dinaanang operasyon.

Pinakakalma ang pantog na masyadong aktibo.

Kinokontrol ang labis na paglalaway at iba pang sintoma ng cerebral palsy.

Pinagiginhawa ang pangangalay ng panga.

Binabawasan ang labis na pagpapawis.

Pinatitigil ang pananakit sa dakong balakang.

Kinokontrol ang spasm kaugnay ng trauma, stroke, at multiple sclerosis.

Nakatutulong upang maiwasan ang “ringing” sound sa tainga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with