^

Punto Mo

EDITORYAL - Pawang pipitsugin ang napapatay sa drug operations

Pang-masa
EDITORYAL - Pawang pipitsugin ang napapatay sa drug operations

NAGSAGAWA ng one time big time operations ang mga pulis sa Bulacan noong Miyerkules at 32 drug suspects ang napatay. Ayon sa Bulacan PNP, karamihan sa mga napatay ay lumaban habang isinisilbi ang warrant. Mayroong napatay dahil sa lehitimong encounter sa mga pulis.

Ang pagkamatay ng 32 suspects ay labis na ikinatuwa ni President Duterte. Kung kinakailangan daw makapatay ng 32 bawat araw ay mas mabuti dahil madaling mababawasan ang problema ng bansa.

Tila nahamon naman ang mga pulis at nagsagawa rin ng drug operations sa Maynila na nagresulta sa pagkakapatay sa 25 drugs suspects at criminal. Lumaban daw ang mga drug suspects sa mga umaarestong pulis. Bukod sa mga napatay, marami ring tulak ng droga ang naaresto.

Karumal-dumal naman ang nangyaring drug o­perations sa Sta. Quiteria, Caloocan noong Huwebes kung saan isang 17-anyos na lalaking estudyante ang binaril umano ng tatlong pulis. Ayon sa mga nakasaksi, dinampot ng tatlong pulis ang estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos, binigyan ng baril at sinabihang tumakbo. Nang tumakbo si Kian, binaril ito ng mga pulis. Bumulagta si Kian sa isang tambakan ng basura. Ayon sa ama ni Kian, hindi drug pusher o addict ang kanyang anak. At imposible raw na may baril ang kanyang anak gaya ng sinasabi ng tatlong pulis. Nakunan naman ng CCTV ang pagdampot ng mga pulis kay Kian, taliwas sa sinasabi ng mga ito na bumunot ng baril ang estudyante at nagpaputok. Sinibak na sa puwesto ang tatlong pulis na hindi pinangalanan. Pati hepe ng police community precinct ay sinibak din.

Titindi pa ang drug operations ng PNP lalo pa’t sabi ni Duterte na mas maganda kung araw-araw ay mara­ming mamamatay. Pero nalalaman kaya ni Digong na maliliit o pipitsugin ang napapatay. At maaaring napagkamalan pa ang iba gaya ng 17-anyos na estudyante.

Habang nagsasagawa ng kampanya sa droga, patuloy naman ang pagpasok ng shabu sa bansa na dinadaan pa sa Bureau of Customs kasabwat ang mga corrupt officials.

Hindi na nakakatuwa ang nangyayari na pawang “maliliit” o “pipitsugin” ang napapatay. Nasaan ang mga “big time”? Sila naman ang upakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with