^

Punto Mo

‘Mag-ingat sa kawatang Inday!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Pagbabantay sa mga bata, tagaluto, tagalinis at katuwang sa mga gawaing bahay ang trabaho ng isang kasambahay na binansagan nating mga Pinoy na si “Inday”.

At kadalasan dahil parehong naghahanapbuhay ang mga nakatatanda sa bahay, si Inday ang naiiwan sa mga chikiting at household chores. Napakagaan kasama ni Inday sa ating tahanan hindi ba?

Subalit kuwidaw, mag-iingat kayo mga bossing sa pagkuha ng kasambahay. Baka kasi ang kasambahay na akala mo makakatulong sa gawaing bahay n’yo, eh kawatan pala.

Tulad ng isang ginang na lumapit sa BITAG at kilos pronto. Inirereklamo ang kanyang kasambahay na nanlimas ng kanyang mga alahas at pera.

Ipinakilala lamang ng isang pinagkakatiwalaang kaibigan ang kasambahay na nakuha ng biktima kaya’t agad siyang nagtiwala. Ni hindi na rin siya humingi ng anumang requirement o nag-background check man lang.

 Ang inaakalang kasambahay na makakatulong sa kanya ay magiging sakit ng ulo niya pala! Apat na araw pa lamang sa kaniya ang kasambahay ay umeskapo na ito sa bahay niya sa Balintawak, Quezon City.

Ang drama ni Monette Dalida a.k.a Fria Dalida a.k.a Inday noong araw nang siya ay eeskapo ay bibili lamang siya ng pang-ulam. Pero ilang oras na ang lumipas, hindi pa ito nakakabalik kaya kinutuban na ang among biktima.

 Ang putok sa buhong katulong na bumili lang ng ulam, tangay-tangay na pala ang pera at alahas ng amo niya! Matalinong kawatan ang kolokay, madaling nasalisihan at nanakawan ang kanyang amo.

Pagkatapos maipa-blotter sa police station ang kasambahay na kawatan, napag-alaman ng biktima na wanted pala ito!

Tinutugis ng mga otoridad sa Tondo, Bulacan at La Union ang dorobong kawatan. Malas lang niya dahil may nakuhang litrato sa internet ang kanyang huling biktima at nailabas na namin ito sa telebisyon.

O, babala mga kababayan ko, mag-imbestiga at kilalaning maigi ang kukunin ninyong mga kasama sa bahay. Kesehodang kamag-anak niyo ‘yan o hindi, ipinakilala ng kaibigan, kapitbahay, kapamilya, o kahit sino pa mang Poncio Pilato – mag-imbestiga kayo!

Hindi masamang manghingi ng kung ano mang papeles sa mga kukunin o maga-apply na kasambahay. Bio-data, Police clearance o NBI Clearance ay isa sa mga matitibay na papeles para makaiwas sa mga kawatan na kasambahay.

Mainam na ring magtanong o tumawag sa police station tungkol sa mga wanted na may record bilang mga nagpapanggap na kasambahay at kung may warrant of arrest na ba ito.

Mabuti nang makasiguro kaysa naman magpatuloy at mag-alaga ka ng kawatan sa bahay mo na tutuklawin ka rin pagdating ng panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with