^

Punto Mo

Common Sense at Pagpapakabayani

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAKITA ng aking lolo (ama ng aking ama) na may kaaway ang kanyang kaibigan. Nakita niyang may hawak na baril ang kaaway ng kaibigan. Umawat siya. Inagaw niya ang baril. Habang nag-aagawan, pumutok ang baril. Tumama ang bala sa kaibigan na agad ikinamatay.

Base sa imbestigasyon, pumutok ang baril habang nasa kamay ito ng aking lolo. Kaya siya ang itinurong nakapatay sa kaibigan. Idinemanda siya ng pamilya ng kaibigan. Para iwas-kulong, pinagbayad ng pamilya ng kanyang kaibigan, ang aking lolo ng napakalaking halaga. Halagang hindi kakayaning bayaran ng isang meat vendor lang. Kaya walang choice ang aking lolo kundi magbenta ng properties.

Nang mangyari ang insidente, namayapa na ang aking lola. Ang properties na ibinenta ay pamana ng aking lola sa kanyang mga anak para gamitin sa kanilang pag-aaral. Halos maubos ang properties ng pamilya ng aking ama. Isa itong dahilan kaya hindi nakapag-kolehiyo ang aking ama at kanyang kuya. Naubos ang kabuhayan nila dahil lang sa pag-awat sa nag-aaway.

Kamakailan lang, umawat sa nagrarambulang mga kabataan ang isang kakilala na nagngangalang Hero. May isinumbong ang  teen-ager na sangkot sa rambulan sa kanyang ama. Sinugod ng ama, tiyuhin at dalawa pang kamag-anak si Hero at pinagbabaril. Iniwan siyang nakabulagta at duguan. Kahit isa sa mga teen-agers na kanyang inawat ay walang tumulong. Isang matanda ang hindi nakatiis at siya ay dinala sa ospital.

Nabuhay naman siya. Kaya lang nanatiling nakabaon ang bala sa lungs ni Hero. Aalisin daw ito ng mga doctor sa tamang panahon. Ang mga salarin, hanggang ngayon ay nagtatago pa.

Umawat ka kung immediate family mo lang ang sangkot. Huwag makialam sa away ng hindi mo kaano-ano. Ang mga umaawat ay  pumapagitna sa dalawang naglalabanan. Pero hindi ba’t ang nasasagasaan ay ‘yun naglalakad sa gitna ng kalsada? Paganahin muna ang common sense, bago magpakabayani. Sa bandang huli, ikaw at ang pamilya mo ang mapeperwisyo.

“Common sense is like a deodorant. The people who need it most, never use it.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with