^

Punto Mo

EDITORYAL - Lagi na lang nawawalan ng preno

Pang-masa
EDITORYAL - Lagi na lang nawawalan ng preno

KAPAG may nangyaring malagim na aksidente sa sasakyan, walang ibang dahilan ang driver kundi nawalan ng preno ang minamaneho. Pala­ging ito ang sinasabi. Nawalan daw ng preno kaya nasagasaan niya ang mga sasakyan na naging dahilan nang pagkamatay ng mga tao. May nagsasabing hindi kumagat ang preno kaya isinampa sa island o binangga sa pader para maiwasan ang mas malagim pang trahedya. Ang nakapagtataka lang, hindi na kaya dumadaan sa inspeksiyon ang mga sasakyan kaya takbo lang nang takbo at ang resulta ay pagbangga dahil wala na palang preno.

Ganito ang sinabing dahilan ng driver ng cement mixer na bumagsak sa isang kotse kahapon sa Mindanao Avenue na ikinamatay ng isa mga sakay nito. Nakita sa CCTV ang mabilis na pagtakbo ng cement mixer at binangga ang puting kotse sa harapan at pagkatapos ay nabagsakan ng mixer. Yuping-yupi ang kotse. Nakaligtas naman ang apat na iba pang sakay ng kotse. Ayon sa report, maggo-grocery lamang ang mag-anak at marahang binabagtas ang Mindanao Avenue south bound nang biglang banggain ng mixer at natumbahan.

Kinasuhan na ang driver ng mixer na madaling naaresto makaraan ang aksidente. Humihingi ng patawad ang driver.

Nararapat nang bigyan nang mabigat na parusa ang mga driver na sangkot sa malalagim na aksidente. Napakaraming pangyayari na ang kinasangkutan ng mga bus at truck na nawawalan ng preno. Hindi dumadaan sa periodic maintenance ang mga sasakyan at takbo lang nang takbo kaya naaaksidente. Dapat maghigpit ang LTFRB sa pagbibigay ng prankisa sa mga sasakyan. Ipatupad ang laging pagsasaayos ng sasakyan bago ilabas sa kalsada. Iwas disgrasya ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with