^

Punto Mo

Parekoy (92)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SABAY na umuwi sina PO3 Jun at Lino. Off-duty na si PO3. Nakasakay sila sa kotse ni PO3 – isang segunda manong Toyota.

“Nagtataka ako kung paano nakakalusot ang droga sa bilangguan, PO3 Jun, gaya nang ginagawa ng demonyang si Cielo. Di ba mahigpit na nga-yon?’’

“Nakakalusot ang sha-bu dahil sa mga corrupt na guwardiya, Parekoy. Pera-pera lang ang labanan. Kahit na santo ang guwardiya, nagiging demonyo kapag nakitang makapal ang pe-rang panglagay.’’

“Grabe na pala talaga ang drug business sa bilangguan ano, PO3?’’

“Sinabi mo pa. Kung ako lang ang magiging hepe ng bilangguan, walang makakalusot na droga.’’

“Anong gagawin mo PO3?’’

“Paghuhubarin ko lahat ng mga bilanggo.’’

Nagtawa si Lino.

“Ano bang paraan yan, PO3? Parang hindi kapani-paniwala.’’

“Totoo, Parekoy. Pag­huhubarin ko sila kapag ipapasok sa selda para walang madadalang droga sa katawan. Ganun araw-araw ang gagawin. Tingnan ko lang may maitago pa sila.’’

“Paano kung mga babae ang bilanggo paghuhubarin mo rin?’’

“Lahat, Parekoy!’’

“Bangis mo ah!’’

“Kulang kasi sa paraan ang mga namumuno sa mga bilangguan kaya hindi ma-tapus-tapos ang problema sa illegal drugs.’’

Patawid na sila Quezon Bridge nang may mapansin si PO3 Jun sa side mirror.

“Kanina ko pa napa- pansin ang riding-in-tandem sa likod natin. Masama ang kutob ko, Parekoy.’’

Lumingon si Lino.

Dalawang magkaangkas sa motorsiklo at gustong mag-overtake sa kanila.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with