^

Punto Mo

Ang First Grade Love Story

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

“KUNG kailan pa tayo tumanda…saka pa natin ito ginawa. Nahihiya ako sa aking sarili.”  

“Pinagsisihan mo ba ang pagsama sa akin?”

Tumungo sa Ela. Iniwasan niya ang mata ni Joe na nakatitig sa kanya. Parang gusto niyang sagutin ng OO, ang tanong kung nagsisisi siya.

Huminga ng malalim si Joe. Inakbayan niya nang buong paglalambing si Ela saka nagsalita: “Magpahinga na tayo. Ilang oras din tayong nagbiyahe.”

Nag-check in sa isang hotel sa Baguio. Nagbiyahe sila mula sa Maynila. Magkasintahan sila at nagtanan. Pareho silang 65 years old. Si Ela ay dalaga samantalang biyudo naman si Joe.

Habang nagpapalit ng nighties si Ela sa loob ng toilet, ay kung anu-ano ang naiimadyin niya na magiging reaksiyon ng kanyang mga kapatid, tungkol sa ginawa niyang pakikipagtanan kay Joe.

Mga senior citizen...nagtanan ? Aba, dinaig pa nila  ang mga millennials! Kuma-Kathniel ba sila o Lumi-Lizquen?

Ang pag-iibigan nina Ela at Joe ay nagsimula noong na-ging magkaklase sila sa grade one. Silang dalawa ang pinili ng teacher na maging partner sa folk dance na ipapalabas sa foundation day ng kanilang eskuwelahan.

Natapos na ang palabas pero lagi pa rin lumalapit si Joe kay Ela para iabot ang chocolate o anuman pagkain tuwing recess. Napansin ito ng kanilang kaklase kaya nagsimula na silang tuksuhin. Palibhasa ay bata pa, laging ngumangalngal nang iyak si Ela. Galit na galit  siya tuwing tutuksuhin silang dalawa. Ibang kaklaseng lalaki ang crush niya, si Butch, ang cute at  chubby na seatmate niya! (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with