^

Punto Mo

‘NIDO 3 Plus’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

SINABI ko na ng ilang beses na sa isang hiwalayan walang panalo o talo ang meron ay biktima. Kadalasan ay mga batang inosente na wala namang kinalaman. Ang nakakatawa dito ay ginawa pang commercial ang paghihiwalay ng mag-asawa mula sa sangradong kasal.

Inaayusan ng kanyang nanay ang anak na lalaki habang pinapaalalahanan niya ito na huwag isusubo ang kanyang kamay at magtatakip kapag nag-sneeze. Kwentuhan din siya tungkol sa dinosaur pag-uwi nito kinabukasan.

Ang masakit na portion dito nang dumating ang tatay niya tumingin ang bata sa kanyang ina at sinabing “Mama sama ka please” pero sagot nito “Dad will take care of you”.

Huling bilin niya dito ‘have fun with Dad’.

Ang commercial na ito ay may kurot sa akin dahil nanggaling ako sa ganyang pamilya. Dapat ang commercial ay nagpapakita ng mga positibong bagay.

Naalala ko nang ako ay bata na kakahiwalay lamang naming mag-asawa na ang aking bunsong anak sa tuwing kukunin ko na sila mula sa kanilang ina ay umiiyak. Wala talagang papalit sa isang pamilyang buo.

Sa isang maghapon ang NIDO 3 plus ay katakut-takot ang commercial na para bang okay lang na magkahiwalay ang Nanay at Tatay pero kung titingnan mo talaga ang mensahe na nakapailalim sa commercial panawagan ng bata na sumama sa kanila ang kanyang ina.

Sino ba ang nag-isip nito para sa NIDO 3 plus ay hindi nag-iisip. Bakit sa tingin n’yo ilang kongreso na ang nagdaan at hindi pa naratipika ang Divorce Law. Bakit? Dahil para sa ating mga Pilipino ang mag-aakda nito ay siguradong matatalo sa eleksiyon dahil naniniwala pa rin tayo sa sakramento ng kasal.

Ang meron tayo Annulment subalit ito’y isang bagay na hindi binabalandra o ginagawang patalastas para makita ng lahat. Nag-iiwan ito ng ‘psychological effects’ sa mga bata na okay lang pala na maghiwalay ang kanilang mga magulang. Yan ba ang pakay ng NIDO 3 plus?

Kailangan pa ba itong gawing selling point na ang Tatay at Nanay ay may baong NIDO 3 plus dapat yata dito ay NIDO negative 3 dahil negatibo ang dating ng advertisement na ito. Ito naman ay sa ganang akin lang.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with