^

Punto Mo

Parekoy (87)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, mas lalong nakagugulat at nakamamangha ang naging itsura ni Sarah. Lalo itong gumanda nang mainom ang ikalawang bote ng Oleic Juice. Naging sariwa ang kutis at lalong umitim ang mahabang buhok. Bumata ang itsura.

Hindi napigilan ni Sarah ang sarili na mapasigaw sa sobrang kasiyahan. “Nawala na ang kulu-kulubot sa pisngi ko at leeg. Magaling na talaga ako!’’

Maski si Coleen ay hindi makapaniwala sa nakitang anyo ni Sarah.

“Ang ganda-ganda mo Sarah. Puwedeng-puwede kang artista!’’

“Magaling na talaga ako, Coleen.’’

“Epektibo ang Oleic Juice.’’

“Oo nga. Di mas lalo na siguro kung maubos ko ang juice sa loob ng pitong araw.’’

“Baka pang-Miss Universe na ang ganda mo Sarah kapag naubos ang Oleic Juice!’’

“Hindi naman siguro Coleen.’’

“Kasi’y kahanga-hanga ang juice. Ano kayang sekreto at napakabisang gamot sa sakit at pampabata?’’

“Sa palagay mo Coleen, hindi na babalik ang aking sakit ngayong nakainom na ako ng Oleic Juice?’’

“Siguro naman ay hindi na, Sarah. Nagamot ka na kaya wala nang dahilan para bumalik ang sakit.’’

“Pero alam mo, Coleen, akala ko mamamatay na ako. Nawawalan na ako ng pag-asa. Nagdasal ako na sana mahanap ni Lino ang gamot sa sakit ko. At nangyari ang dasal ko. Napakabait ng Diyos, Coleen.’’

“Oo nga, Sarah. Ako man ay nagpapasalamat sa Di- yos at nakaligtas sa kasamaan ni Cielo.’’

“Salamat at natanggap mo na ang lahat, Coleen. Nalampasan mo rin ang pagsubok sa buhay.’’

Napatangu-tango si Coleen.

MAKALIPAS ang isang linggo, naubos nang inumin ni Sarah ang Oleic Juice. Magaling na magaling na siya. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Sarah sa nangyari.

Noon sinabi ni Lino sa mga magulang ni Sarah na handa na siyang paka­salan ang dalaga.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with