^

Punto Mo

Lalaki panalo ng $1-M matapos pumusta ang kanyang mga kaibigan na hindi siya makapagbabawas ng taba

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WAGI ang isang professional gambler sa Las Vegas hindi lamang sa pagpapapayat kundi pati na rin sa pakikipagpustahan matapos niyang mapatunayan sa kanyang mga kapwa sugarol na kaya niyang magbawas ng taba sa loob lamang ng anim na buwan.

Ikinuwento ni Walter Fisher sa pahayagang New York Post na hindi maganda ang kanyang pangangatawan bago ang nangyaring pustahan.

Noon daw kasing isang taon ay sunud-sunod ang talo niya sa sugal dahilan upang mapakain siya ng marami dahil sa stress. Lumobo raw noon ang kanyang timbang ng 40 hanggang 50 pounds sa loob lamang ng isang buwan.

Tumuntong sa 245 pounds ang timbang ng 6-foot-1 na si Fisher samantalang umabot naman sa $100,000 ang kanyang pagkakautang noong nakaraang Disyembre.

Sa puntong iyon ay hinamon siya ng mga kaibigan niyang professional gamblers sa isang $1 million na pusta na hindi niya magagawang mapababa sa 10 porsiyento ang kabuuang taba sa kanyang katawan sa loob ng anim na buwan.

Dahil gipit sa pera ay nagpursige talaga si Fisher na makapagbawas ng timbang. Bukod sa pagkain nang tama ay kumuha pa siya ng personal trainer na naging gabay sa kanyang 10 oras na pag-eehersisyo  sa gym araw-araw.

Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap dahil matapos lamang ang lima’t kalahating buwan ay nasa 175 pounds na lamang ang kanyang timbang at napababa niya sa 8.8 porsi-yento ang taba sa kanyang katawan.

Nag-uwi ng $600,000 (katumbas ng humigit-kumulang P30 milyon) si Fi­sher matapos buwisan ang $1 million niyang panalo.

Hindi naman daw uurong si Fi­sher na makipagpustahan muli kung sakaling mabawi niya ang nabawas na timbang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with