^

Punto Mo

HBD

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa
HBD

Hiniling ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makalabas ng PNP-detention center para sa dalawang araw niyang medical procedure. AP/Aaron Favila, File

ISA ring bentahe ng social media iyong tila nagiging isa rin itong plataporma sa pagdiriwang ng isang tao sa kanyang kaarawan.  May mga nagpapahayag ng pasasalamat sa isa pang taon na nadagdag sa kanyang buhay. Nariyan iyong naglilitanya ng mga tagumpay at kabiguan nila sa buhay. Malalaman mo rin nang maaga kung sino sa mga kaibigan o kakilala o kamag-anak ang nalalapit na ang kaarawan. Sa bawat birthday celebrant, humahaba ang listahan ng mga bumabati sa kanya habang dumaraan ang araw. Pero maraming pagkakataon na tapos na ang kaa-rawan pero may mga bumabati pa rin kahit belated na. Kahit nga iyong mga patay na ay binabati rin sa social media tuwing sasapit ang araw ng kanilang kapanganakan.

May mga gimik din iyong ibang mga bumabati sa birthday celebrant.  Ang pagbati ay sinasamahan pa nila ng mga emoticon o mga imahe tulad ng sa cake, banderitas, torotot, confetti, o alak at iba pa na may kaugnayan sa pagdiriwang ng okasyon. Nariyan din ung mga digital greeting card na maaaring sariling gawa ng bumabati o sa mga imaheng likha ng social media tulad ng sa facebook.  Nariyan din ang mga mensahe ng pagbati na seryoso o madrama o idinadaan sa biro o pagpapatwa.  Hindi pa kasama rito ang pagpoposte ng mga larawan ng ilang eksena sa selebrasyon ng celebrant.

Meron namang naglalaro ng mga salita para ipahayag ang pagbati. Hindi malaman kung dahil hindi nila magawang idiretso ang pagbati o baka nagmamadali. O maaaring katuwaan lang lalo na kung malapit  niyang kakilala ang kanyang binabati. Idinadaan na lang sa pabirong pagbati.  Halimbawa itong happy beerday at HBD.

Sabagay, ang beer ay tila naging isa sa mga simbolo ng masasayang okasyon gaya nga ng birthday. Para siyang kapalit ng  lumang kantang “Hapi-Hapi Berdey! Sa iyo ang Inumin! Sa iyo ang Pulutan. Sana malasing mo kami!” na pabirong kantyaw noong araw sa  mga birthday celebrant para mag-blowout sila. Pero siyempre, hindi puwede rito iyong mga bata at lalo na iyong mga senior citizen na meron nang maintenance na gamot. Parang nagkataon rin na ang salitang “beerday” ay katunog ng salitang Ingles na “birthday”.

Ang HBD naman ay, siyempre pa, pinaikling Happy Birthday.  Marami rin ang bumabati nang ganito. Hindi malaman kung nagmamadali o abala sa ginagawa iyong bumabati o kung seryoso ba siya sa pagbati kaya initial na lang ng Happy Birthday ang itinitipa sa keyboard sa smartphone o laptop o tablet o desktop computer. Tila tipid na tipiD ang pagbati. Marami at iba’t iba ang puwedeng interpretasyon dito. Puwedeng ipalagay na kinatutuwaan lang niyang bumati sa ganitong paraan o wala sa loob ang pagbati o hindi seryoso o talaga lang busy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with