^

Punto Mo

Sukatin ang inyong waistline!

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

NAKASANAYAN na natin na kapag tinatanong tayo kung ano ang sukat ng ating baywang, ang sinasabi natin ay kung ano ang sukat natin sa binibiling pantalon. Sinasabi nating size 32 o 33 pero noon pala ay nasa size 35-36 ka na. Hindi natin naiisip na kadalasan, ang sukat ng pantalon natin ay ibinabatay sa “below the waist” measurement. Lalo na sa mga kalalakihan. Kung magsusukat talaga tayo ng baywang, ang dapat na maging batayan para masabing accurate ito ay ang pagsukat sa level kung nasaan ang ating pusod. Ito talaga ang magsasabi ng ating totoong waist measurement.

Sa mga kababaihan na nasa pagitan ng edad 35 hanggang 64, tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng stroke kung patuloy na lalaki ang sukat ng baywang. Belly fat kung tawagin natin ang patuloy na pagkapal ng taba sa dakong tiyan. Sinasabing kadalasan ay mas maganda ang level ng kolesterol at blood pressure ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Pero kung patuloy na hindi papansinin ang pagkapal ng belly fat, marami ring panganib na ihahatid ito sa atng kalusugan.

Sinasabing kapag ang baywang ng babae ay nasa 35 inches na at ang waist line naman ng lalaki ay nasa 40 inches pataas, tumataas ang mga panganib sa pagkakaroon ng stroke, diabetes, alta presyon, sakit sa puso, heart failure at hika.

Kung napansing tumataba, huwag laging ang nadagdag na “pounds” ang isipin. Mana pa’y tingnan din ang lumalaking sukat ng waistline. Sinasabing kahit sa mga babaeng normal pa ang timbang, kung tataas naman ng 4 inches ang sukat ng waistline, tumataas ang panganib niya ng pagkakaroon ng sakit/kondisyon sa puso.

Maraming kababaihan ang kapag nagpapapayat ay nagdidiyeta lamang. Pagkain lang ang kanilang napagdidiskitahan. Hindi na nila ito sinasamahan ng pag-eehersisyo. Pero hindi maganda ito. Kalaunan, ang kahihinatnan nito ay ang pagkakaroon ng kondisyon kung saan balingkinitan ang pangangatawan pero nababalutan ng taba ang inyong internal organs.

Kung ngayon ay normal lamang ang timbang n’yo pero hindi gaanong aktibo physically, nagsisimula nang tumaas ang panganib sa pagkakaroon ng sakit. Maipapayo kong kahit ngayong wala pang sakit ay magsimula nang mag-ehersisyo.

Simulan na natin ang pagsukat ng ating waistline. Iwasang mandaya! Ipaikot ang tape measure na ‘yan sa level ng inyong pusod at ilista ang sukat. Ulitin ito makalipas ang isang linggo. Hindi dapat magpanik ang mga kababaihan kung mapansing nadagdagan ng pulgada ang waistline habang nagreregla, normal lamang ito!

Hindi pa huli ang lahat. Tandaang mas maraming bentahe kung wala tayong malaking tiyan.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with