^

Punto Mo

Parekoy (86)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
Parekoy (86)

Israeli border police officers stand guard as Muslim men pray outside the Al Aqsa Mosque compound, in Jerusalem Sunday, July 16, 2017. Hundreds of Muslim worshippers visited a Jerusalem holy site Sunday after Israel reopened the compound following a rare closure in response to a deadly shooting last week that raised concerns about wider unrest. (AP Photo/Mahmoud Illean)

“ANG bilis naman ng epekto ng Oleic Juice!’’ Namamanghang nasabi ni Coleen makaraang maubos ni Sarah ang juice.

Maski si Lino ay hindi makapaniwala sa ipinakikitang pagbabago ni Sarah.

“Baka wala pang isang linggo ay magaling na ma-galing ka na Sarah!’’

“P-palagay ko nga Parekoy. Bigla akong nakadarama ng kakaibang lakas. Tingnan n’yo at nakakaupo na ako kahit hindi nakasandal sa unan.’’

“Oo nga!” Sabi ni Coleen.

“Pambihira ito!” Sabi ni Lino at hinawakan nang mahigpit ang palad ni Sarah. “Salamat sa Diyos at guma-galing ka na, Sarah.’’

“Malaki ang utang na loob ko sa’yo, Parekoy. Kung hindi dahil sa pagsisikap mong hanapin si Cielo ay hindi mangyayari ito.’’

“Nagawa ko iyon dahil sa tapat at malinis kong pag-ibig sa iyo Sarah.’’

“G-gusto ko Parekoy ka­pag malakas na malakas na ako, pakasal na tayo.’’

“Totoo Sarah?’’

“Oo.’’

“Nakakainggit naman kayong dalawa,” sabi ni Coleen at hinawakan sa balikat si Sarah. “Kunin n’yo akong bridesmaid ha?”’

“Oo naman, Coleen.’’

Maya-maya ay may napansin pa si Coleen sa itsura ni Sarah.

“Sarah, bumabalik na ang kintab ng buhok mo. Parang nagkaroon na ng sigla at buhay. At ang mga mata mo, may kislap na.’’

“Talaga Coleen?’’

“Oo. Teka at bibigyan kita ng salamin para mo makita ang sarili.’’

Binigyan ni Coleen ng salami si Sarah at sinipat ang sarili. Hindi makapaniwala si Sarah sa nakita sa salamin. Napakaganda niya!

“Ako ba ito, Coleen?’’

“Oo. Napakaganda mo, Sarah. Talagang umepekto na ang Oleic Juice!’’

“Magaling na nga ako. Salamat sa Diyos!’’

“Pero ipagpapatuloy mo pa rin ang pag-inom ng juice,” sabi ni Lino.

“Oo. Uubusin ko ang pitong bottle.’’

Masayang-masaya si Lino. Lutas na ang problema.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with