^

Punto Mo

Dambuhalang bandila ng US, nilikha ng lalaki mula sa 10,000 toy soldiers

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIGIT 10,000 mga tau-tauhan ang pinagdikit-dikit at pininturahan ng pula, puti, at asul ng isang artist mula Georgia, upang makabuo ng isang dambuhalang bandila bilang paggunita niya sa 241st Independence Day ng Amerika.

Ipinost ng artist na si Greg Smith ang larawan ng bandila sa Facebook kung saan sinabi niyang inabot siya ng isang taon sa paglikha nito.

Binili niya online ang humigit-kumulang 10,000 mga laruang sundalo na bumubuo sa 5 by 3 feet na bandila.

Unang naisip ni Smith gawin ang bandila nang may makita siyang kapareho nito sa isang restaurant na binubuo naman ng baseball bats at bola.

Ginawa lang niya ang proyekto sa kanyang libreng oras ngunit hindi raw ito simpleng libangan lang para sa kanya.

Nilikha niya raw ang bandila upang kilalanin din ang mga sundalong Amerikano na nagsilbi sa kanilang bansa partikular na ang kanyang ama at lolo na parehong naging kasapi ng US Army.

Ngayong nakumpleto na niya ang kanyang proyekto ay mayroon daw mga nag-aalok na bilhin ito sa kanya ngunit disidido si Smith na hindi niya ipagbebenta ang kanyang obra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with