^

Punto Mo

Lalaking nabundol ng bus sa UK, dumiretso sa beerhouse na parang walang nangyari

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SAPOL sa CCTV ang pagkakabundol ng isang bus sa isang lalaki, na milagrong nakaligtas. Walang anumang tumayo ang lalaki at nakuha pang dumiretso sa isang beerhouse na parang walang nangyari.

Makikita sa video ang pagragasa ng isang kulay purple na bus sa lansangan ng Reading, England. Kasalukuyan din noong tumatawid sa kalsada ang 53 anyos na si Simon Smith, na nahagip ng bus nang sumampa na ito sa sidewalk.

Tumilapon si Smith ng 20 talampakan matapos siyang mabundol ng bus mula sa kanyang likuran.

Sa halip na manatiling nakabulagta katulad ng inaasahan ay tumayo kaagad si Smith at pumasok sa isang kalapit na pub o beerhouse. Ito’y sa kabila ng bilis ng takbo ng bus, na nabasag ang windshield dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya.

Galos lang ang tinamo ni Smith mula sa aksidente ngunit dinala na rin siya sa isang kalapit na ospital ng mga rumespondeng paramedic para makasigurado sa kanyang kaligtasan.

Hindi naman malinaw kung paanong nawalan ng kontrol ang driver ng bus ngunit nagpahayag na ang mga pulis sa lugar na walang gagawing pag-aresto kaugnay sa nangya­ring aksidente.

Malaki naman ang pasasalamat ni Smith na buhay pa siya matapos ang pangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with