^

Punto Mo

Bintang sa bantang rape ng militar, foul na

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MASYADONG mabigat ang alegasyon ng Gabriela na nagbabanta ang ilang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga bakwit na kababaihan.

Ito ay kaugnay ng alegasyon ni Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Party list group na umano’y pinagbabantaang gagahasain ng mga sundalo ang mga kababaihang evacuees mula sa Lanao del Sur at Lanao del Norte.

Kahit saang anggulo hanapin ay malabong gawin ng mga sundalo ang pag-rape sa mga kababaihan sa evacuation centers.

At papaano naman maisasagawa rin ng mga sundalo ang panggagahasa gayung napakaraming tao at nagsisiksikan ang mga evacuees mula sa Marawi.

Isang malaking alegasyon ito ng Gabriela Party-list sa militar na kasalukuyang sumasabak sa giyera sa Marawi.

Sa nasabing giyera, maraming sundalo na ang namatay at nasugatan na dapat lang na parangalan at kilalanin ang kabayanihan.

Kung talagang nagsasabi ng katotohanan ang Gabriela, dapat maglabas ito mga ebidensiya o testigo na nakaranas ng pagbabanta ng rape mula sa mga sundalo.

Masyadong foul ang ganitong mga akusasyon sa mga sundalo. Sa halip na purihin at kilalanin ang kabayanihan ng mga ito, aakusahan pa ng krimen.

Sa kasalukuyang sitwasyon ay napapanahon na magkaisa ang lahat upang suportahan ang ating mga sundalo mula sa moral hanggang sa pinansiyal upang makamit ang mabilis na tagumpay ng giyera sa Mindanao.

Sa panig ng mga sundalo ay huwag magpaapekto sa mga ganitong alegasyon at magpatuloy lang sa kanilang paglilingkod sa bayan upang ipagtanggol ang bansa sa anumang grupo na banta sa seguridad at naghahasik ng kaguluhan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with