^

Punto Mo

‘PAGCOR ininspeksiyon ang RWM’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

NAPAG-ALAMAN namin mula kay Twinkle Valdez ang head ng Corporate Communications Department na nagpunta kahapon si Chairman Andrea Domingo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kasama ang ilang opisyal sa Resorts World Manila (RWM).

Bakit ngayon lang ito ininspeksiyon? Alam ko na ininspeksyon yan noon pero dapat may random at quarterly ins­pections yan para tingnan kung nasa ayos ba ang security at yung kanilang mga panlaban sa apoy (sprinkler).

Lumalabas na kaya kayo pumupunta diyan dahil tinitingnan niyo kung maari nang ma-lift ang suspension order at tuloy ang ligaya ng Resorts World.

Sa dami ba ng binibigyan niyong prangkisa sa mga proponent na nagpapalaro at nagbibigay ng porsiyento sa inyo natututukan niyo pa ba ang mga ito? Nakikita niyo pa ba ang kalidad ng pagpapatakbo nila? E dito lang sa may bandang Southern Luzon may mga naka-tsinelas at naka-sandong nakakapasok para magsugal.

Meron na ba kayong sinuspinde o tinanggalan ng prangkisa dahil hindi sumusunod sa mga alituntuning inyong inilagay?

May nakapagsabi sa akin na hindi naman daw yung building kung saan nagkaroon ng amok at sunog ang papayagan kundi ang isang building. Bakit nagmamadali kayo? Bakit hindi niyo muna paayos ang unang building para maramdaman nila ang kurot at disiplina na dapat iwan pa rin ang suspensiyon.

Anong meron sa Resorts World at nakapa-espesyal nito na para bang pina fast track ang kanilang operasyon?

Sino ba sa mga personalidad sa Resorts World ang sobrang lakas? Si Chairman Andrea Domingo ba o kanino kaya?

Kung ako tatanungin paramdam niyo din ang init sa likod ng kanilang kwelyo nang sumikip ng konti ito para hindi na maulit ang trahedyang nangyari dun.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with