^

Punto Mo

10 Katotohanan sa Pangkaisipan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…para sa lalong ikauunawa mo sa iyong sarili at ibang tao

Wala naman kayong pinag-awayan pero obvious na ayaw sa iyo ng isang tao. Ang tatlong dahilan kung bakit ayaw niya sa iyo: a) Gusto niyang maging ikaw b) Mas magaling ka sa kanya c) Isa kang ‘threat’ sa kanya.

Subconsciously, ang pinakamaikling panahon para maproseso ng ating utak ang pagpapatawad sa nagkasala sa atin ay 6 to 8 months.

Pakinggan mong mabuti ang iyong kausap kung paano niya ikinukuwento sa iyo ang ibang tao. Malamang na ganoon ka rin niya ikukuwento sa iba niyang kakilala.

Mas magiging matapang at mas masaya ang buhay ng isang tao kung gagawin niya ang mga bagay na kanyang kinatatakutan.

Kung naging magkaibigan sa pagitan ng edad 16 at 28, malaki ang tsansa na magtatagal ang friendship nila.

Mas masaya ang buhay, mas kakaunti ang oras na kailangan niyang itulog.

Nakakabawas ng bigat ng kalooban ang paghawak sa kamay ng iyong mahal na nakakaranas ng emotional pain at stress.

Ang matatalinong tao ay mas kakaunti ang kaibigan kumpara sa average person dahil mapili sila sa mga taong kakaibiganin.

Ang average amount ng oras na puwedeng pigilan ng isang babae ang kanyang sarili na huwag ibulgar ang isang sikreto ay 47 hours at 15 minutes.

Pagdating sa kalusugan, ang sobrang kalungkutan ay mas masama pa sa pagsisigarilyo ng 15 sticks per day.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with