^

Punto Mo

Parekoy (62)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINUNGO nina Lino, Coleen at Bianca ang malaking refrigerator na nasa sulok ng bahay.

“Sigurado ka bang narito ang Oleic Juice, Coleen?’’

“Opo Sir Lino. Tandang-tanda ko ang ref na yan. Ang ipinagtataka ko lang po ay wala nang kandado. Mayroon pong kadena na nakapaikot diyan at may kandadong malaki.’’

“Buksan natin!’’

Binuksan nila.

Nagulat sila sa nakita. Punumpuno ng iba’t ibang juice ang ref. Nasa plastic bottle na walang ipinagkaiba sa energy drink. Pati sa freezer ay mayroong juice. Matigas na ang mga juice na nasa freezer.

“Ang dami pala!’’ Gulat na gulat si Lino.

May kinuha si Coleen na isang juice.

“Eto po ang Oleic Juice, Sir Lino. Ito po ang makakagamot kay Sarah.’’

Hinawakan ni Lino ang juice. Sa wakas, mayroon nang solusyon ang sakit ng mahal niyang si Sarah.

May kinuha pa si Coleen sa loob ng ref.

“Eto po ang juice na pinaiinom ng demonyang si Cielo kapag nire-recruit na niya ang mga babaing bibiktimahin. Ito po ang pinainom sa akin ni demonya. At sigurado po ako, na ito rin ang nainom ni Sarah, hindi nga lang siya napuruhan pero nagkaroon naman ng epek­to­ sa immune system niya.’’

“Palagay ko nga, Coleen.’’

Si Bianca naman ang kumuha ng isang juice sa freezer. Matigas na matigas dahil nag­yelo na.

“Ano naman ‘yan Bianca?’’

“Ito po ang binibenta sa mga Japanese at Korean. Pampasigla po sa pakikipagtalik. Mahal po ang benta nito sa mga parukyano.’’

Galit na galit naman si Coleen nang maalala ang nangyari sa kanya.

“Walang awa ang mga Japanese kapag nakainom niyan. Walang patawad sa pakikipagtalik. Para akong mamamatay…” sabi at humikbi.

Tinapik-tapik ni Lino.

Nang tumigil sa pag-iyak ay nagpasya na silang umalis.

“Dadalhin po ba natin ito lahat Sir Lino?’’

“Kung ano lang ang makakaya natin. Delikadong abutan tayo.’’

“Sige po, kumuha na tayo para makaalis na rito.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with