^

Punto Mo

‘No deal’ sa Maute!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi pala talaga itong grupo ng Maute na naghasik ng karahasan na nauwi pa nga  sa giyera dyan sa Marawi.

May kakapalan talaga ang mga mukha, aba’y biruin mong matapos magsimula ng kaguluhan, na nakaapekto sa buhay at ari-arian ng mga  napakaraming matatahimik nating kababayan, ngayong nasusukol at lumiliit na, sila pa ang may lakas ng loob na mag-demand ng ‘palit-ulo’.

Naghamon pa umano ang Maute sa pamamagitan ni Abdullah Maute (ito na lang yata ang natitirang lider ng grupo) na palayain ng militar  ang dinakip nilang mga magulang na sina Cayamora at Ominta Maute kapalit naman ng bihag nilang pari na si Fr. Chito Suganob.

Kabilang ang mga magulang ng Maute brothers   sa mahigit sa 300 personalidad na naisyuhan ng arrest order na may kaugnayan   sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao Region.

Tama ang military sa pahayag na bakit at ano ang karapatan nila sa sinasabing prisoners swap, gayung ang mga hostage nila eh hindi mga  bilanggo kumpara sa mga dinakip ng military na may nakasampang kaso ng rebelyon.

Mistulang desperado na ang mga ito sa kanilang sinimulan na wala namang malinaw na dahilan kung bakit nila ginawa.

Maraming buhay na ang nadamay, mga nawasak na mga kabahayan at naapektuhang kabuhayan, naapektuhan maging pag-aaral ng  mga mag-aaral naudlot dahil sa ginawa ng grupong ito, ngayong nasusukol na magde-demand sa gobyerno ng kung anu-ano.

Ano kayo hilo?

Grabe ang ginawa ng grupong ito sa Marawi, at walang puwang para makipagnegosasyon sa mga ito.  Dapat lamang maituloy ang laban sa mga ito hanggang sa masupil nang tuluyan.

‘No deal’!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with