^

Punto Mo

‘Paso Doble’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

Ang Paso Doble ay salitang Espanyol, ito ay isang Spanish light music na nangangailangan ng dalawang indibidwal para ito’y sayawin. Sa ating mga Pilipino nakagawian natin itong tawaging ‘‘Pasadoble’’.

May katumbas din ito sa salitang Ingles ‘It takes two to Tango’.

Ang pagpapalaki ng mga anak ay obligasyon ng parehong magulang. Hindi ito pupwede na isang tao lang at ang isa ay mawawalan na ng pakialam.

Isang ginang ang humihingi sa amin ng payo na nagnga-ngalang Sahara. Ang kanyang numero ay may dulong 7719.

Ayon sa kanya may  tatlo silang anak ng dati niyang live in partner at matagal na silang hiwalay. Nasa kanya ang tatlo nilang anak na may edad na labing tatlo, sampu at ang bunso ay walong taong gulang pa lamang.

“Nahihirapan na kasi ang mga anak ko dahil sa mga project nila sa eskwelahan. Yung panganay ko ay grade 7 na kaya nakiusap ang mga anak ko na humingi ng sustento sa ama nila,” sabi ni Sahara.

Noong nakaraang taon pa raw huling nagsustento ang ama ng mga bata. Siya at ang kinakasama niya ngayon ang tumutustos sa mga pangangailangan ng tatlo at maging sa pag-aaral ng mga ito.

Kinikilala ng ama ang mga anak niya kay Sahara ngunit hindi nakapirma sa panganay ang lalaki dahil nagkamali ang midwife. Hindi nito inilagay ang pangalan ng ama sa birth certificate bilang tatay ngunit nakapirma naman daw ito sa likod.

Ayaw na raw magsustento ng ama dahil may asawa na raw si Sahara. Kahit na ipabarangay daw ito ay wala umanong mapapala ang ginang.

Obligasyon ng ama na sustentuhan ang kanyang mga anak para magkaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan. Hindi naman ibig sabihin na may kinakasama nang iba ang kanilang ina ay mapuputol na rin dun ang obligasyon nito.

Marahil ay iniisip ng ama ng mga bata na gagamitin lamang nito ang pera para sa kanila at

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with