^

Punto Mo

Isaalang-alang ang bansa sa usapin ng BBL

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

PIPIRMAHAN na ni Pres. Rodrigo Duterte ang draft ng panukalang layunin ng Bangsamoro Basic Law at inaasahan na ito ay magiging pansamantalang solusyon para matigil na ang kaguluhan sa Mindanao. Matatandaan na noong September 10, 2014 ay nilagdaan na ito ni dating Pres. Noynoy Aquino at isinumite sa Kongreso para pag-aralan, pero hindi ito nakapasa dahil sa iba’t ibang pananaw at interpretasyon ng ilang kongresista at tuluyan na itong naisantabi bago pa man magkaroon ng eleksyon noong 2016.

Malaki ang nagastos ng gobyerno sa pakikipagnegosasyon para maisulong ang kapayapaan sa Mindanao. Matapos ang 32 peacetalk at negosasyon para pag-aralan ang mga solusyon, binalangkas ang mga probisyon nito at pinagdebatehan ng mga kongresista ang mga alituntunin nito na sa paningin nila ay maraming nakapaloob na dis-advantage para sa bansa hanggang sa mapunta sa limot ang lahat. Isa sa masigasig na magkaroon ng solusyon ang kapayapaan sa Mindanao ay ang dating kongresistang si Rufus Rodriguez na ngayon ay Cagayan de Oro mayor. September 9, 2013 nang guluhin ng MNLF ang Zamboa­nga at tangkain na itaas ang bandila ng Bangsamoro Republik, palatandaan na gusto talaga nila na madaliang magkaroon ng sariling gobyerno ang Mindanao. Nang magkaenkuwentro ang Special Action Force at MILF sa Tukanalipao Mamasapano sa Maguindanao na ikinasawi ng SAF 44 noong Enero 24, 2015 ay lalong nabulabog ang usapin sa BBL dahil ang nakaenkuwentro ng mga sundalo ng gobyerno ay mismong mga tauhan ng MILF na may malaking kabahagi sa pakikipagnegosasyon sa pagsasarili ng Mindanao.

May maliwanag na indikasyon na ang mga tumiwalag na Abu Sayyaf sa MNLF at BIFF ng MILF at ang teroristang Maute ay may pagsasanib puwersa kundi man sa idelohiya ay sa layuning mapag-isa ang lakas nila upang maiparamdam na may karahasan ang Bangsamoro Liberation at Islamic government.

Ang Pilipinas ay dapat manatiling iisang bansa at hindi dapat mangyari na mahati nang tuluyan. Marami rin ang mga Kristiyano sa Mindanao at kung  dahil sa maling adhikain ay magkakaroon ng ibang pananaw ang mga ito, malamang na magbunsod pa itong muli ng hindi pagkakaintindihan.

Makabubuting pag-usapan ito muli at kung kinakailangang daanin sa plebisito upang magkaroon ng pakialam ang bawat isang Mindanaoans sa internal na usapin ng bansa ay gawin nang buong ingat.

Hindi dapat makialam o mang-impluwensiya ang ibang bansa sa usapin ng BBL maliban na lamang kung kinakailangan mangalap ng neutral opinion mula sa mga kalapit bansa natin na may positibong pananaw na pangkapayapaan.

BAKAS sa Radyo La Verdad 1350AM Band tuwing Sabado 5:00-7:00 p.m.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with