^

Punto Mo

100 Kabiguan ang nagpatamis ng Hershey’s Chocolate

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Milton Hershey ay ipinanganak noong 1857 sa Pennsylvania. Bata pa ay nagtatrabaho na siya sa kanilang bukid. Sa pagsasaka niya natutuhan kung paano magtiis at magtiyaga para sa bandang huli ay may aasahang aanihin.

Noong 14 na taon siya, nagdesisyon siyang tumigil sa pag-aaral para magtrabaho sa printing press. Isang araw ay nahulog ang kanyang sombrero sa isang machine na naging sanhi ng pagkasira nito. Noong oras din iyon, siya ay tinanggal sa trabaho.

Nagkaroon siya ng pagkakataong magtrabaho sa pabrika ng kendi. Nang matutuhan ang paraan ng paggawa, umalis siya sa trabaho at nagtayo ng sari-ling pagawaan ng kendi. Ang problema ay kulang siya sa puhunan kaya ito ay nagsara. Nilisan niya ang Pennsylvania at nakipagsapalaran sa New York City. Nakakuha siya doon ng trabaho sa Huyler’s, isang pabrika ng candy at nagmamay-ari ng mga restaurant. Pagkaraan ng ilang taon, siya ay umalis sa trabaho para maglako na lang ng kendi sa kalye ng New York. Kagaya ng mga nauna niyang itinayong negosyo, hindi ito nagtagumpay. Napilitan siyang umuwi sa kanilang bukid sa Pennsylvania.

Nagkataong maraming bakahan sa kanilang lugar kaya sagana sa gatas. Nag-experiment siyang magtimpla ng chocolate na may kahalong condensed milk. Marami ang nasarapan. Sa edad na 36, nakapagpatayo siya ng kompan­yang Lancaster Caramel Company. Pagkaraan ng pitong taon, ibinenta niya ang kompanya sa halagang isang milyong dolyar. Ito ang ginamit niya para magtayo ng panibagong kompanya—ang Hershey’s Chocolate Company. Sa edad na 43, sinimulan niyang palaguin ang kanyang kompanya, na hindi niya akalaing makikilala bilang manufacturer ng isa sa  pinakamasarap ng chocolate sa buong mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with