^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaunting ulan baha agad!

Pang-masa
EDITORYAL - Kaunting ulan baha agad!

WALA pang mga bagyong nagbabanta sa bansa. Ang mga nararanasang pag-ulan sa hapon at gabi ay karaniwan lamang na nararanasan sa ganitong buwan pero sabi ng PAGASA, mga 20 bagyo ang maaaring manalasa sa bansa sa taong ito. Sinabi rin naman ng PAGASA na hindi daranasin ng bansa ang La Niña ngayong taon.

Mahina lamang ang mga pag-ulan sa Metro Manila pero ang nakapagtataka, agad na lumulubog sa baha ang ilang pangunahing kalsada na nagdudulot ng grabeng trapik. Maraming pasahero ang nai-stranded dahil walang mga dyipni na makabiyahe at ang ilan naman ay naiipit sa trapik.

Noong Martes ng hapon, wala pang 30 minutong umulan sa Maynila at Quezon City pero nagdulot agad ito ng baha sa ilang kalsada. Bumaha sa Taft Avenue at sa paligid ng Manila City Hall. Bumaha rin sa Victory Avenue sa Santo Domingo, Quezon City. Hanggang tuhod ang tubig sa Araneta tunnel kaya walang mga sasakyan ang makadaan na nagdulot ng trapik sa kahabaan ng Quezon Avenue. May bahaging baha rin sa Araneta Avenue.

Hindi pa dumadalaw ang mga bagyo at bahagya pa lamang ang ulan, pero nakakaperwisyo na ang baha. Nagpapatunay lamang ito na barado ang mga drai-nages kaya madaling umaapaw. Tiyak na maraming basurang plastic ang mga imburnal kaya ayaw lulunin ang tubig-baha.

Sabi naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) araw-araw silang nagsasagawa ng de-clogging sa mga imburnal. Sinisiguro nilang nalilinis ang mga daluyan ng tubig. Kung malinis ang mga imburnal, bakit kaunting ulan ay baha agad. Ano ang dahilan nang pagbaha?

Duda kami kung naipatutupad ng MMDA ang kautusan sa mga barangay chairman na bantayan ang mga nasasakupang estero.  Ilang buwan na ang nakararaan, sinabi ng MMDA na kakasuhan nila sa Ombudsman ang mga barangay chairman na pinababayaang umapaw sa basura ang sakop na estero.

Nakaupo na si MMDA Chairman Danny Lim. Umaasa kaming maipatutupad ang kautusang ito. Bigwasan sana niya ang mga barangay chairman na hindi tatalima. Kaya nagbabaha ay dahil sa basurang itinatapon sa mga estero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with