^

Punto Mo

10 dambuhalang pugad ng putakti, natagpuan sa isang bahay sa UK

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang isang pest exterminator sa United Kingdom nang matagpuan niya ang 10 dambuhalang pugad ng putakti sa isang bahay na kanyang sineserbisyuhan.

Tinawagan ang 48 anyos na si Shane Jones ng isang maybahay sa bayan ng Basingstoke, England matapos nitong matuklasan na may pugad ng putakti sa kanilang attic.

Hindi naman inasahan ni Jones ang kanyang madadatnan sa attic nang akyatin niya ito dahil bumulaga sa kanya ang 10 dambuhalang pugad na hindi bababa sa tatlong talampakan ang mga sukat.

Sa sobrang laki ng mga ito ay isa lamang ang nagkasya palabas ng bintana ng attic. Mabuti na lamang at iilan na lamang sa mga pugad ang may naninirahang putakti dahil kinailangang durugin ang karamihan sa mga ito upang mailabas sila ng bahay.

Ang mga pugad daw ang mga pinakamalaki na kanyang natagpuan, ayon kay Jones. Ang isa raw sa mga ito ay noong isang taon lang itinayo ng mga putakti ngunit tinataya niyang isang dekada nang namamahay sa attic ang karamihan sa mga ito.

Maaaring tinirhan ng putakti ang attic ng bahay dahil wala raw nakatira rito at kasalukuyang nire-renovate pa ng bagong may-ari.

Kasama ni Jones ang kanyang asawa at anak sa kanyang trabaho kaya naman abalang-abala ang kanyang pamilya ngayon dahil sa buwan daw  na ito ay dumarami ang mga putakti kaya maya’t maya ay nakakatanggap sila ng mga tawag na humihiling ng kanilang serbisyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with