^

Punto Mo

Parekoy (31)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINUNGO ni Lino ang mismong spot sa terminal kung saan niya nakita ang babaing nakatitig kay Sarah noong nag-uusap sila. Pero wala na siyang nakita dahil ang nakapuwesto na roon ay isang tindahan ng pasalubong. Ganunman, nag-obserba pa rin siya at baka nasa paligid lamang ang babae. Kapag nakita niya ang babae ay mamumukhaan niya. Pero wala siyang nakita. Pawang mga vendor ang nakita niya na may bitbit na tinda at umaakyat-panaog sa mga bus. Parami na nang parami ang mga tao sa terminal at walang patid ang alis-dating ng mga bus.

Nang hindi niya makita ang babae ay ipinasya niyang puntahan ang restaurant na sinabi ni Sarah na kinainan nila ng mahiwagang babae. Halos natatanaw pala iyon mula sa mga kinaroroonan ng mga bus. Tinungo niya ang restaurant. Pumasok siya sa loob. Pinili niya ang mesang pangdalawahan na malapit sa pinto. Pinili niya iyon para kung may papasok ay makikita niya.

Lumapit ang nakaunipormeng waitress at iniabot ang menu book. Binuklat niya. Busog pa siya kaya umorder na lang ng sandwich chicken at black coffee.

Nang makaalis ang waitress ay nag-obserba siya sa paligid. Iilan pa lamang ang customer. Pawang lalaki ang nasa dulong mesa. Maaga pa kasi para sa lunch.

May pumasok na mag-asawa. Pinili ang nasa tapat niyang mesa.

Maya-maya pa ay papalapit na ang waitress na may dala ng kanyang order.

Ibinaba sa kanyang harapan. Umuusok ang kape. Tinim­plahan niya ng isang sache ng asukal. Tinikman niya. Kulang. Isa pang sache ang binuksan at ibinuhos niya sa kape. Hinalo. Tinikman. Okey na. Binuksan niya ang sandwich. Kumagat. Nginuya. Pagkatapos ay humigop ng kape.

Nangangalahati na siya sa sandwich nang mapasulyap siya sa labas. May paparating na babae. Pinagmasdan niya. Parang ito ang babaing nakita niya noon sa terminal na nakatitig kay Sarah.

Humanda si Lino.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with