^

Punto Mo

Ano ang epilepsy?

Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

“Twenty one years old nang magsimula ang sakit kong epilepsy. Madalas po ang aking pagko-collapse, kahit na nga po sa aking trabaho. Wala pong pinipiling oras at lugar ang pagsumpong nito. Halos buwan-buwan po akong sinusumpong. Pagkatapos ng attack ay masakit ang buo kong katawan at ulo. Ngayon ay 35 years old na ako at natatakot sa sakit na ito. Hirap na hirap po ako sa aking kalagayan.

Ano po ba ang epilepsy? Ano’ng dapat kong gawin?”

 

MARAMI ang di nakakaunawa sa kondisyon na epilepsy. Basta’t ang alam ng iba tungkol dito ay magkukumbulsyon ang pasyente at mawawalan ng malay. Noong nasa high school pa ako, may isa kaming schoolmate na madalas inaatake ng epilepsy. Minsang nasa eskuwelahan ito ay inabutan siya roon ng atake. Natakot kaming lahat kasi first time lamang kaming nakakita ng kinukumbulsyon. At ayon sa kanya, epilepsy ang kanyang kondisyon.

Ano ba ang epilepsy?

Sadyang may kuryenteng dumadaloy sa ating mga utak. Normal na gumagana ang mga kuryenteng ito sa ating utak. Kung nangyaring nasira o nawalan ng tamang kaayusan ang electrical activity sa utak, nauuwi ito sa pansamantalang pagkawala ng malay. Epilepsy ang tawag natin dito. May mga epilepsy na may kasamang kombulsyon.

Ang pinaka-common na epilepsy ay ‘yung tinatawag na idiopathic epilepsy, kung saan nagkakaroon ng abnormal na brain cell activity kahit na walang kadahi-dahilan. Ilan sa babala ng ganitong kondisyon ay ang sumusunod: Pananakit ng ulo, pagkahilo, paghihikab. Pagkatapos ay susundan ito ng “aura” kung saan waring nakakaramdam ng pangunguryente sa mga kamay at paa, at waring pagbabago sa panlasa at pang-amoy. Ang nararamdamang “aura” ang pasimula ng kombulsyon.

Pero ang kombulsyon ay maaaring dahil din sa tumor sa utak na nagdudulot ng presyon sa brain tissue. Puwede ring dahil sa problema sa ugat sa utak o kaya’y pagkalasong dulot ng gamot.

Kahit na ang mga adult ay kayang kontrolin ng tamang gamot para sa epilepsy. Epektibo ang mga gamot na gaya ng Phenytoin at Carbamazepine. Minsan, nagta-trial and error tayo bago makuha ang tamang dosis para sa isang tao. Karaniwang ibinababa ang gamot kung ang isang tao ay hindi na kinukumbulsyon makalipas ang dalawang taon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with