^

Punto Mo

Ang $2 na Sapatos

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw, nakatanggap ng tawag ang pulis na si Che Milton ng Atlanta Police Station na may nakawan daw na nangyari sa isang tindahan sa downtown. Pagdating niya sa tindahan, isang batang babae na 12 taong gulang ang itinurong suspect. Itatakas na raw sana ang isang pares ng sapatos na pambata pero napigilan ito ng tindera. Nagkakahalaga ng $2 ang sapatos na nanakawin sana.

Sa isang sulok ng tindahan, nag-usap ng masinsinan ang pulis at bata. Hindi puwedeng ikulong ang bata. Ininterbyu ng pulis ang bata.

Ilang taon ka na?

12 taon po.

Bakit mo naisipang nakawin ang sapatos?

Umiyak ang bata. Mahirap lang sila at hindi nila kayang bumili ng sapatos. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Ang sapatos ay para sana sa  kapatid niyang babae na limang taong gulang. Wala raw itong sapatos na maisuot.

Inalam ng pulis kung saan nakatira ang bata at inalok itong ihatid sa tinitirhan nito. Pagdating sa bahay, nadatnan nito ang ina. Wala itong trabaho at abala sa pag-aalaga ng mga anak. Ang tanging gamit sa bahay ay isang single bed. Ang sahig ng bahay ay may nakalatag na tela at ito lang ang nagsisilbing banig ng mga nakahigang bata. Nasa trabaho raw ang mister niya. Gustuhin man niyang magtrabaho, walang mag-aalaga sa mga bata. Hindi nila kayang bumayad sa day care.

Umalis sandali ang pulis at pagbalik ay may bitbit itong apat na large pizza. Tuwang-tuwa ang mga bata. Tumawag kaagad siya sa Atlanta Georgia Division of Family and Children Services upang ihingi ng tulong ang pamilya. Pagkaraan ng ilang buwan, bumalik ulit si Milton para ibigay ang mga damit at gamit para sa mga bata mula sa kanya at ilang mga kasamahang pulis.

Nag-post sa Facebook ang police department ng Atlanta tungkol sa kabutihan ni Milton. Simula noon, maraming tao ang nag-alok ng tulong sa pamilya ng batang nagtangkang magnakaw ng sapatos para sa baby niyang kapatid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with