^

Punto Mo

Parekoy (29)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MULA nang makilala ko ang babaing ‘yun, nagkaganito na ang kalagayan ng katawan. Siya lamang ang nakausap ko at wala na akong natandaang iba pa, Parekoy,” sabi ni Sarah na halatang nahihirapan sa kalagayan. “Ano ba ang gagawin ko Parekoy? Wala namang makita ang mga doctor. Baka nga tama ang sinabi mo na kinulam ako at ang babaing yun ang may kagagawan.’’

“Nang magkita tayo sa terminal nang araw na iyon, nagkita ba kayo ng babaing sinasabi mo?’’

Nag-isip si Sarah.

“H-hindi Parekoy.’’

“Pero may napansin akong babae na nakatingin sa’yo habang nag-uusap tayo. Hindi ko lang makita ang mukha dahil natatakpan siya ng isang vendor. Pero ganun na lamang ang pagkakatitig sa’yo.”

“Maganda ba siya? Maputi?”

“Hindi ko masabi dahil bahagyang madilim pa sa kinaroroonan basta ang tiyak ko, nakasubaybay ang tingin niya sa’yo.’’

Nag-isip si Sarah. Maya-maya ay tumulo ang luha.

“Sana hindi ako nagtiwala agad sa kanya. Masyado kasi akong nabaitan sa kanya.’’

Nakadama ng awa si Lino sa kasintahan. Hinawakan nito ang kanang palad ni Sarah.

“Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan.’’

“Alam mo Parekoy, ang hula ko mayroon siyang inihalo sa softdrink na ininom ko. Kasi’y iba ang lasa ng softdrink.”

Nag-isip si Lino. Kailangang makita niya ang babaing yun. Gagawin niya ang lahat.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with